PHILHEALTH AND SSS
Henlo, mommies. Questions lang po. 1. Kapag po ba nanganak at gagamitin ang Phil health ano po need na dalhin or may process po ba? 2. Regarding sa maternity benefit po sa SSS, nakapag-file na po ako online kapag po ba kukuhanin na pupunta na lang sa SSS Office tas ipapakita lang Birth certificate ni baby? Thank yoooou!
1. Philhealth MDR, Gov't Issued ID and resibo ng updated payments if voluntary po kayo. If private po kayo manganganak sila na ang nagpoprovide ng claiming form (CSF) at don na kayo magfifill up pero may iba naman like lying in na bago kayo manganak nasa list ng dadalhin if kayo ang magpoprovide ng form which is printable naman via google/online. 2. Mag eenroll po kayo ng DAEM sa SSS online. Then online nyo din po isusubmit ang CTC ng BC ni baby then sa bank account or remittance po ipapadala ni SSS ang mat ben. Kung employed po kayo, inaabonohan ng employer ang mat ben then pagbalik galing sa panganganak tsaka po ninyo ipasa ang BC para naman maireimburse sa kanila yung inabono.
Magbasa pa