single mom

Hayy, ang hirap ng ganito no? Seeking for love,attention, and care. Yung parang dati di muna kaylangan humingi sa tatlong yan sa iba kasi kusa nalang naibibigay pero simula ng nabuntis at nangyari sakin to nawala nalang yan bigla ng parang bula. Oo alam ko nndyan yung mga friends natin para mangamusta pero hanggang dun lang yun tas mawawala nanamn. Ang hirap ng ganito, oo. A baby is a blessings pero pag naagahan masama naman sa ibang tao. Parang nawala na freedom mo sa mundong ito dahil sa isang tapak mulang sa labas pang huhusga nanamn madidinig mo. Nawala yung mga barkada mo na parati mong kasama at kausap, yung mga taong palagi mung nakikita sa paligid at nag bibigay kulay at gulo sa buhay mo.yung gimik nyo na halos walang katapusan, yung kahit anong bagyo payang dumating sa buhay nyo go lang ng go. :) Ang lungkot balikan ang nakaraan, oo nandito family mo pero iba parin talaga e. Minsan mo lang sila makakausap lahat2. Oo,kasalanan ko to kaya kaylangan kung mag dusa pero namimiss ko lang yung dati. Alam ko pag lalabas na si baby lahat ng bagay na hinihingi ko ma bibigay na nya lahat2 yun. Pero wala lang, gusto ko lang ishare yung nararamdaman ko ngayon,wala akong ma shareran e, bawal namn sa fb tas wla kading friends na mashashare ran. Kaya dito nalang ako nag shashare. Pero sige lang, konting tiis nato. Im 31wks preggy na malapit ng lumabas angel ko.aja! Fighting nalang. ?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

tama yan mamsh! Aja lang lagi sa buhay.. Mahirap.. pro always look for silver linings. Eventually, mggng okay dn lahat :)

5y ago

Yes :)