6431 responses
No po. Nangungupahan lang kasi kame. Gustong gusto na namen matapos pinapagawa namen bahay kaso nakakapagpagawa lang kame kapag nakaipon ulit ng budget pakonti konti lang ang gawa. Ok sana ang space nitong inuupahan namen ngaun ang problema lang yung mga sira kasi di naman pinapaayos ng may ari like nung sirang alulod sa may bintana sa kwarto kaya tuwing naulan ng malakas pinapasok ng tubig ang kwarto namen🤦🏼♀️ tas yung mga cabinet sa lababo at tubo sa lababo🤦🏼♀️
Magbasa pasa ngayon po kasi nag stastay ako sa bahay ng partner ko maayos at maganda naman ang kanilang bahay lola at lolo lang nya andito dahil ang mga magulang nya ay ng tratrabaho sa ibang bansa. sa ngayon wala pa naman talaga kaming kakayahan pera my hinuhulugan na yung magulang nya na lupa at samin daw yun pero balang araw naman pag nakasunod na yung partner ko sa ibang bansa at pati ako ay magkakaroon din kami ng para samin lamang.
Magbasa paKasi nagrerent lang kmi ni hubby sana magkaipon kmi pampagawa ng bahay kahit maliit lang kaya lang sya lang and may work at buntis pa ko sooo need namin magtiis ng matagal kesa makitira kami sa kanya kanyang magulang I prefer na nakabukod kmi
No, gusto na namin lumipat kasi nagrerent lang kami sayang yung binabayad namin sa rent di naman samin mapupunta yung bahay.. Kaya mas ok hanggat bata pa magavail na ng kahit rent to own na bahay ☺
Gusto ko dn naman dto samin ksama ng magulang ko pero sympre gsto ko dn na bumukod para sa hubby ko . kaya lang maselan pagbubuntis ko. di ako pdeng walang ksama kasi minimal lang kilos ko.
Kontento pero gusto ko padin makapag bukod kami. Mahirap makisama eh. Kailngan lagi kalang naka tango sa parents ng magulang ng asawa mo dika makapag reklamo kase wala kang maipagmamalake.
yes..dto n ko nakatira since bata ko..bahay ng parents ko.wla n dn cla, tapos nsa malayo kaptid ko.kaya dto n kmi tumira ng husband ko at least malapit s kamag anak.
yes. Pero mas gusto kung may simple house kaming pamilya ko. kht only son ang asawa ko gusto ko may sarili akong bahay.😊
ok lng nmn living together with in laws but to have own home for my family is better iba pa rin kasi yung kayo lng😊
Mas ok kasi na nakabukod pero since nasa abroad asawa ko at baby pa ang LO ko, dito pa dn kami sa parents ko ngsstay.