Hanggang ngayon di ko alam kung anong alaga ang pwede kong gawin sa baby ko para lang mabawi ko yung ginawa kong pagpalo sa hita nya nung 1 month old sya. Stress na stress ako, mag isa sa bahay, call center sup ang asawa ko kaya wala sya pag gabi tulog sa umaga. Ako, nagrerecover parin, may time na iyak ng iyak ang baby ko at parang nakafeel ako ng urge na paluin sya dahil sobrang naffrustrate ako. Wala akong katulong mag alaga sa gabi, masakit ang dibdib ko, tumutulo ang gatas, medyo sumsakit pa ang ari ko dahil medyo nagrerecover parin after giving birth at nawalan ng oras para sa sarili ko. Wala ako kahit anong hilot o kahit anomang belief na ginawa. Nabigla ako sa changes ng lifestyle ko dahil anjan na sya. Ewan ko bakit ko ginawa yon pero hanggang ngayon naririnig ko parin yung lakas ng sigaw at iyak nya nung pinalo ko sya sa hita, tuwing titignan ko yung inosente nyang mata na tumatawa tapos titingin sakin na ako yung pinakapaborito nyang tao naguguilty ako sobra. Gusto kong aminin sa asawa ko na pinalo ko yung anak namin pero natatakoy ako kasi alam kong magagalit sya. Ilang beses ko ng niyayakap anak ko pero bakit ayaw mawala nung galit ko sa sarili ko? Anong dapat kong gawin?
Jessica Cammagay