Makakasama ba sa baby ko?

Halos lahat ng tao sa paligid ko nagmumura. Pala mura kasi sa side ng husband ko. Pag labas pa ni baby tyaka kami makakabukod kasi ginagawa pa yung bahay namin. Nagwoworry ako sa baby ko sa tummy. 6 months preggy nako. Baka makasama sakanya lalo na based sa nabasa ko nakakarinig na sya.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

samin din yung side ni hubby palamura panganay ko ngayon 5 years old pero kahit ganun hindi sya nagmumura di nya ginagaya kung anung naririnig nya.sinasabi namin sa kanya yung tama at hindi tama para sa bata kasi matanung sya kaya kahit makarinig sya nun hindi nya ginagaya.pag narinig nya yung mura sasabihin nya sayo isusumbong ka nya sa pulis o kaya sa brgy kahit sa cctv ituturo ka nya na nagmura😂nsa pakikipag usap mo yan sa anak mo paglaki nya

Magbasa pa
6y ago

salamat po. ayoko kasi ng ganun. sa side ko kasi hindi marunong magmura. baka mamaya makaapekto lang. nakakapraning first time mommy kasi ko. gusto ko maayos lahat para sakanya

dear, ung kaya nya marinig habang nasa loob ng tyan mo is hindi p ganun ka clear sa kanya. ex: taong nagsasalita, ung boses/tono ng boses ang magiging familiar sa kanya. hindi pa ung words. kaya kung sa ngaun eh pangit pa ung surroundings nyo, wag ka po masyado magworry as long as hindi maingay. un ung pwede mag pa stress kay baby

Magbasa pa
6y ago

okay po. thank you. nagwoworry kasi ko lalo na pagnasisigawan dito, puro mura naririnig ko.

ganyan din mga byenan ko. nagulat din talaga ako nung narinig ko silang magmurahan at nagsisigawan talaga. no choice kami ni hubby kasi working pa ako non pero sya na din nagparesign sakin sa work para maalagaan ko si baby. turning 1 na kasi sya at parehas naming ayaw lumaki sa ganong environment si baby.

Magbasa pa
6y ago

Nakabukod na po ba kayo? Kasi di pa kami makabukod since di pa tapos yung bahay. Baka pagkalabas pa ni baby. Nagugulat lang ako dito lalo na pagnagsisigawan sila sa maliit na bagay tapos nagmumurahan pa.

Yes sis, yung pamangkin ko na lumaki sa kabilang side. 5years old palang sinabihan niya yung lola niya ng "ulol". tapos nung pinagalitan namin siya ang sagot niya bakit daw yung lola niya lagi siya sinasabihan ng "ulol and gago".

VIP Member

siguro sis. siguro sa Amin di kami palamora nagagalit tatay namin sa partner ko naman dito kami nakatira isang anak lang sya . di naman palamura papa nya kaya minsan napamura ko si partner ko nakakailang Hahhaah

sabihan mo sila ng mahinahon. iwasan kapag nakalabas na si baby. kasi minsan kahit anong pagpapalaki sa anak, yung environment malaki din talaga ang impact