34 Replies
Mommy, ask your OB baka meron siyang tinda or may alam siya na mas mura ang bentahan. Kasi sa OB ko 55 pesos lang ang Duphaston, as in same lang 'nung sa drugstores. Pati yung Calcium and Folic supplements ko mas mura sa kanya kaysa sa drugstores. Trust me, nag-ikot ako talaga lol. Also, I feel you na mahal siya! Nasa 2k+ a week ang gamot ko 😔 pero wala eh ganon talaga. All the best sa atin 🥰
Try nyo po sa watsons. May 20% off sila. Kahit papaano bawas na din yun. Sabi ng OB ko yung duphaston daw kasi pang relax ng uterus para maiwasan magkaron ng contractions (yung cramps na nararamdaman) kaya siya binibigay sa buntis. Pag nag contractions kasi early in the pregnancy may chance na malaglag ang bata. Precautionary measure ang duphaston (increases progesterone ) para makaiwas sa miscarriage po.
Ako po 2 months nag take ng duphaston at pina bed rest ako ni OB .. mahal talaga ng duphaston 80 pesos each dito samin pero di ko talaga inisip kahit na expensive sya kasi maa iniisip ko si baby nag bleeding kasi ako nong 7weeks at iyak talaga ako non but God is good 15weeks na ko now and healthy baby 😊
I was advised to rest for 2 weeks then pina-inom ng Duphaston and Duvadilan for 3x/day din for 2 weeks. Mahal nga tlga pro nawala naman yung subchorionic hemorrhage ko after nung medication and naging normal din yung heartbeat ni baby. Kaya worth it lang din. ☺️
Yes sis medyo expensive but need kasi yan ni baby,ako din nagtake nyan nung nagbleeding ako nung 1st trimester ko. Hehe medyo magastos talaga magbuntis pero ganun talaga, all will be worth it naman yan for sure, lalo na pag nakita na natin babies natin 😉
Umiinom din po ako nyan sis Duphaston at Duvadilan hanggang 20weeks ko, tpos ngaun 21weeks na ko pinatigil na ang Duphaston pero yung duvadilan at aspirin iniinom ko parin po until now. Mahal nga po sya tapos 3x a day, pero okay lang po para naman kay baby.
Uminom rin po ako duphaston for almost 3 months. Maliban sa worried ako sa sobrang mhal nya, mas worried ako s ganun katagal n gamutan. Pero inexplain ni OB ko gano ako ka high risk at sa umpisa pa lng may tiwala n ko kasi tinulungan nya ko mabuo s bb☺️
Safe nmn cia pra mas kumpit z baby aq nga mie lgi nainom ng duphaston oral bukod ang insert mhal tlga pio need eh...stop nq s oral ttuloy q nlng ang insert tell april 15 kc after nun pmplmbot servix nmn kc my due qna
I feel you sis nung buntis din ako parang naka 2k ako dahil sa duphaston kasi may internal bledding ako.. pero para kay baby kakayanin pati gastos.. hehe.. super worth it lahat ng pain pag labas ni Baby..
Mahal talaga niyan, 1 week ako pinainom niyan nung temp ob ng ob ko. Then pagbalik ni ob nawindang siya, kasi lahat ng reseta sakin ang mamahal. Lalo yung pang UTI... Medyo, nainis nga siya eh. Hehe
Thrystyn Escano