Slow Dilation

Had my first IE kahapon and my OB told me I'm just 1cm dilated. I just turned 38 weeks. Ano po ba dapat kung gawin para mapabilis 'to? My OB kasi prescribed me an evening primrose oil soft gel to be taken 3x a day for 7days. May iba pa ba akong gawin based sa mga experienced nyo mga, Mommies? I feel impatient na kasi. ? Gusto ko ng manganak. Nakakapagod na rin eh. ?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako bago ko pinanganak c baby as normal delivery... 38weeks na ko pero 2cm sbi ng OB ko na pwede na ko paadmit anytime..pero d ako pumayag kako antayin ko na lang muna na maramdaman ko or maputok un panubigan ko. nun nag 39weeks na ganun pa rin 2cm d nagdidilate or wala sintomas na naglalabor ako.. hanggng sa unabot sa 40weeks.. sabi ng OB ko paadmit na ko dahil bka makakain ng poop c baby sa loob at makakatulong sa pag dilate un gamot na ilalagay sa swero.. nagpaadmit ako feb 14 6pm kaso feb 15 ng umaga wala pa rin effect un gamot so nagdecide na ko paCS.. 10am binawalan na ko kumain kasi 8hrs dapat walang kain..6pm un sched ko for CS.. den 1pm kinausap ako ng OB ko sa last option na putukin un panubigan ko para magdilate at nagsuccess after 4hrs pinanganak ko na c baby as normal.thank God d ako naCS🙂 lakad lakad ka sis..or kausapin mo un OB mo ...pag d pa namn lumampas sa due mo wag ka kabahan. hanggang 41weeks namn c baby..

Magbasa pa
6y ago

Hi Preggies and Mommies! Just an update po dito sa post ko. Pinanganak ko na po si Baby Girl last February 13, 2019 and unfortunately via C-Section. I was on a prolonged labor for 37 hours, naka confined sa hospital since February 11, 2019 at induced agad.. na discharged last February 17, 2019. The reason kung bakit mahina dilation ko, well, never talaga ako nag dilate to 10cm.. until 7cm to 8cm lang kasi nag Nuchal Cord Coil ang baby ko sa loob. Dahil don, paikli yung lenght ng umbilical cord kaya hindi magawa ni baby ko na to go lower pa on my pelvic, hindi na nya maabot. Kaya pala kahit ilang kilometro pa lalakarin ko, hindi sya makalabas.. so my OB decided na e C-Sec na nya ako that 1:00AM on Feb 13, 2019. Lumabas si Baby at 2:15AM at natapos ang operation past 3:00AM.