MIL

Haay mga ma, sympre mama un ng asawa ko. Nirerespeto ko yun, ginagalang na parang mama ko na din. Pero nkakainis lang talaga mga ma, kasi sobrang OA. Kahapon pumunta kami sa knila pra mgvisit. Pero di nya kami pinansin ng apo nya. Damay kami dahil msama loob nya sa husband ko. E kasi dw iniwan dw sya. Malamang may pamilya na eh nag asawa na. Gusto nya nasa bahay nya pa din ung anak nya. Ang close minded lang kasi mga ma. Ayon di nya kami pinansin pati ang anak namen. Kwawa naman baby ko. Nagsagutan pa sila ng husband ko kahapon, sumisigaw sya umiiyak kasi iniwan nga dw sya. Paasa daw ung husband ko. Kase nung 2nd week of April wla lang sya nasundo sa kanto ngwild na agad paasa dw. Knkumpara nya pa husband ko sa kuya ng husband ko na sobra ang kasalanan sa knya. Hay di ko tlga sya magets. Ang OA lang kasi. Parang bata.. Kya ayon, umalis nalang kami at umuwi. Di nya na appreciate ung apo nya na ngtravel ng malayo just to visit here to think na 3 weeks old pa lang si baby. Nkakabwisit talaga. Share ko lang. Masama loob ko eh.? haaaaaaay

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maganda gawin,kausapin ng masinsinan ng asawa mo ang MIL mo.ipaliwanag niya ng maayos na iba na ang sitwasyon ngayon.at kahit may asawa na siya,hndi naman magbabago ang samahan nilang magnanay.bibisita parin siya.hindi nga lang katulad ng dati,pero hindi niya siya malilimutan.ipaliwanag ng asawa mo sa nanay niya,na ama na siya at may pamilya.na siya naman ang magtatayo ng pamilyang binuo niya.masaya siya sa pamilya nyo,at sana,ganun din ang MIL mo sa inyo.pag marahan at maayos ang pagpapaliwanag,mas madali maintindihan.palipasin na muna ng asawa mo emosyon ng MIL mo bago kausapin.para pag kinausap niya,kalmado na siya at matatanggap niya na ng buo snsbi ng asawa mo.. Okay lang ang mainis at magalit mamshie.basta hinga lang ng malalim,inhale exhale lang.maayos din ang lahat.lalo na at may anghel kayo na kasama 🙂

Magbasa pa