asawang immature

Guys. Point of view nyo nga pls. Ang hirap magpretend. Yung aakto kang ok lahat, masaya lahat, maayos lahat. Ibibuildup mo sya sa kaibigan at kapamilya mo, dahil nga pag hindi mo ginawa un pipintasan sya dahil wala na ngang trabaho, aasta pang superior. Ung akala nila perfect relationship, nun pala gawa gawa mo lang gusto mo paniwalain pati sarili mo pero hirap na hirap ka na kakasalo ng responsibilidad. Kababayad ng bills, kakapagatas. Buti nlng nakaalalay mga magulang nya. Magaling sa ML. Hindi na tumanda. Dati dota. Carefree. Nakakainggit. Pero maalaga naman sa anak at sakin din pero dadating yung time na mapupuno ka. Kasalanan ko din eh. Hay life. Advise naman po jan pls. Palabas lang ng hinanakit

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bf gf pa lang kami ng asawa ko pinag uspaan na namin ang kaadikan nya sa ml. Sabi ko ayaw kong maglalaro sya pag magkasama kami. Ginagawa naman nya. Pag pumunta ako sa kanila at naabutan ko sya na naglalaro pinapatay nya agad phone nya hihi.