asawang immature

Guys. Point of view nyo nga pls. Ang hirap magpretend. Yung aakto kang ok lahat, masaya lahat, maayos lahat. Ibibuildup mo sya sa kaibigan at kapamilya mo, dahil nga pag hindi mo ginawa un pipintasan sya dahil wala na ngang trabaho, aasta pang superior. Ung akala nila perfect relationship, nun pala gawa gawa mo lang gusto mo paniwalain pati sarili mo pero hirap na hirap ka na kakasalo ng responsibilidad. Kababayad ng bills, kakapagatas. Buti nlng nakaalalay mga magulang nya. Magaling sa ML. Hindi na tumanda. Dati dota. Carefree. Nakakainggit. Pero maalaga naman sa anak at sakin din pero dadating yung time na mapupuno ka. Kasalanan ko din eh. Hay life. Advise naman po jan pls. Palabas lang ng hinanakit

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi mo Po mababago Asawa mo sis Kung immature siya, Yun na Yun unless siya mismo mag decide na need Niya na mag seryoso sa buhay. Hmm ikaw Po ano plan mo gawin if ever Hindi siya magbago? Or matagalan p para marealize niya na may family n siya? Kung kaya mo Po mag tiis gora lng.. Kung may gusto k mangyari sa buhay mo gora lng din. Wala k Kasi control sa ugali Ng asawa mo sis bka Kasi ngayon ka lng natatauhan.. wla n kayo sa honeymoon period. Kaya lahat Ng flaws Ng Asawa mo napapansin mo n din.. pag pray mo lang din. Malay mo in Time magbago din siya..

Magbasa pa

Bf gf pa lang kami ng asawa ko pinag uspaan na namin ang kaadikan nya sa ml. Sabi ko ayaw kong maglalaro sya pag magkasama kami. Ginagawa naman nya. Pag pumunta ako sa kanila at naabutan ko sya na naglalaro pinapatay nya agad phone nya hihi.

Need nyo po mag-usap ng masinsinan sis. Wala naman relasyon na hnd nadadaan sa maayos na usap. Parealize mo nalang sknya na need nya mag marture pra sa mga bata at sa future nyo.