Hi guys! Dahil wala akong mapagkwentuhan ng mga nangyayare kasi nahihiya ako sa parents ko and sa mga friends ko na nagpaalala sakin bago magpakasal. So ito na nga po ang kwento ko.
Nung nabuntis ako nalaman namin 17weeks na siya. Bakit? Kasi ayaw niya maniwala na buntis ako kahit siya naman may kasalanan kasi kahit ayoko hinuhubaran niya ako at nakikipagsex siya sakin kahit pumapalag na ako. (Baka may magreact na bakit di ko hiniwalayan? Nakikipaghiwalay na po ako pero siya po yung paulit ulit na bumabalik kahit ayoko na talaga hanggang sa malaman ko na buntis na ako pero I insist na okay lang kahit di kami pero magpakaparents na lang kami sa anak namin) so ayun na nga hindi siya pumayag sa gusto ko kaya ang ginawa niya sinabi niya sa parents ko na buntis ako at gusto niya magpakasal kami pero tumutol ako (gusto niya magpakasal pero wala siyang pang gastos 😅) so ayun nga pati magulang niya nag insist na ikasal kami so wala akong choice kasi lahat na sila gusto na ikasal eh tapos ako lang may ayaw. Ang usapan pagtutulungan na lang yung kasal mairaos lang. Pero ang ending mga mamsh ako lahat gumastos at kami lang ng pamilya ko nag effort since DIY wedding ginawa namin. Imagine preggy ako tapos kami ng mama ko ang pabalik balik sa Divi para mamili ng mga gagamitin plus nagwowork pa ako non and take note commute commute lang kami non 😅 so yun nga, winithdraw ko lahat ng nasa savings ko para sa kasal na gusto nila. Sinagot ko damit ng mga kapatid niya pero mga kapatid ko di ko man lang nalibre sa sobrang tight na ng budget 😅 kumbaga sa lahat ng nagastos sa kasal eh 10% or less pa ata yung naibigay nilang pera sakin para pang ambag nila. Ang usapan namin kami kami lang na family and yung mga kasama lang sa entourage yung bisita para less gastos pero nashookt ako mga mamsh kasi pinamalita nila sa mga kaibigan, kapitbahay at kung kani kanino yung kasal namin edi dami gusto sumama pero hindi lahat nakasama kaya maraming nagpaparinig sakin (kasi sinabi nila na gusto raw ng bride family lang raw 😅) so ayun na nga sa araw ng kasal, sitting pretty lang yung family ng groom parang bisita lang rin hahahaha! Parents ko lang at ako nag asikaso that day sobrang hassle lalo na't ilang buwan na non si baby malapit na lumabas. Pero keribells lang hinayaan na lang namin sabi ng parents ko baka raw hindi sanay mag asikaso ng bisita. So fast forward, ilang days after ng kasal almost everyday sinusumbatan ako ng asawa ko at ng pamilya niya na pakasal kasal pa raw baon na raw tuloy sila sa utang. Tapos ako nashookt kasi hindi ko naman kasalanan kung baon sila sa utang kasi in the first place marami na talaga sila pinagkakautangan at umutang pa uli sila bago yung kasal pambili ng mga luho nila. Pero sinabi ko na lang di ko naman gustong ikasal kayo yung naginsist at ako na nga gumastos halos lahat lahat. (Gusto kasi nila magbigay ako ng pera sakanila lalo na nung nalaman nila na malaki makukuha ko sa matben). So ayun na nga kung magpapakasal kayo siguraduhin niyo muna na kilala niyo yung papakasalan niyo at mahal niyo talaga ang isa't isa hahahaha.
Ps. Sorry di ako marunong magkwento.
Pss. Gusto ng parents ko ikasal kami para legitimate yung anak ko kaya pumayag sila sa gusto nung side ng groom
Psss. Ayaw ng mga friends ko sa kanya talaga hahahaha!
Anonymous