Dahil uso ang pagpapakasal dahil preggy na I just wanna share my story to everyone

Hi guys! Dahil wala akong mapagkwentuhan ng mga nangyayare kasi nahihiya ako sa parents ko and sa mga friends ko na nagpaalala sakin bago magpakasal. So ito na nga po ang kwento ko. Nung nabuntis ako nalaman namin 17weeks na siya. Bakit? Kasi ayaw niya maniwala na buntis ako kahit siya naman may kasalanan kasi kahit ayoko hinuhubaran niya ako at nakikipagsex siya sakin kahit pumapalag na ako. (Baka may magreact na bakit di ko hiniwalayan? Nakikipaghiwalay na po ako pero siya po yung paulit ulit na bumabalik kahit ayoko na talaga hanggang sa malaman ko na buntis na ako pero I insist na okay lang kahit di kami pero magpakaparents na lang kami sa anak namin) so ayun na nga hindi siya pumayag sa gusto ko kaya ang ginawa niya sinabi niya sa parents ko na buntis ako at gusto niya magpakasal kami pero tumutol ako (gusto niya magpakasal pero wala siyang pang gastos πŸ˜…) so ayun nga pati magulang niya nag insist na ikasal kami so wala akong choice kasi lahat na sila gusto na ikasal eh tapos ako lang may ayaw. Ang usapan pagtutulungan na lang yung kasal mairaos lang. Pero ang ending mga mamsh ako lahat gumastos at kami lang ng pamilya ko nag effort since DIY wedding ginawa namin. Imagine preggy ako tapos kami ng mama ko ang pabalik balik sa Divi para mamili ng mga gagamitin plus nagwowork pa ako non and take note commute commute lang kami non πŸ˜… so yun nga, winithdraw ko lahat ng nasa savings ko para sa kasal na gusto nila. Sinagot ko damit ng mga kapatid niya pero mga kapatid ko di ko man lang nalibre sa sobrang tight na ng budget πŸ˜… kumbaga sa lahat ng nagastos sa kasal eh 10% or less pa ata yung naibigay nilang pera sakin para pang ambag nila. Ang usapan namin kami kami lang na family and yung mga kasama lang sa entourage yung bisita para less gastos pero nashookt ako mga mamsh kasi pinamalita nila sa mga kaibigan, kapitbahay at kung kani kanino yung kasal namin edi dami gusto sumama pero hindi lahat nakasama kaya maraming nagpaparinig sakin (kasi sinabi nila na gusto raw ng bride family lang raw πŸ˜…) so ayun na nga sa araw ng kasal, sitting pretty lang yung family ng groom parang bisita lang rin hahahaha! Parents ko lang at ako nag asikaso that day sobrang hassle lalo na't ilang buwan na non si baby malapit na lumabas. Pero keribells lang hinayaan na lang namin sabi ng parents ko baka raw hindi sanay mag asikaso ng bisita. So fast forward, ilang days after ng kasal almost everyday sinusumbatan ako ng asawa ko at ng pamilya niya na pakasal kasal pa raw baon na raw tuloy sila sa utang. Tapos ako nashookt kasi hindi ko naman kasalanan kung baon sila sa utang kasi in the first place marami na talaga sila pinagkakautangan at umutang pa uli sila bago yung kasal pambili ng mga luho nila. Pero sinabi ko na lang di ko naman gustong ikasal kayo yung naginsist at ako na nga gumastos halos lahat lahat. (Gusto kasi nila magbigay ako ng pera sakanila lalo na nung nalaman nila na malaki makukuha ko sa matben). So ayun na nga kung magpapakasal kayo siguraduhin niyo muna na kilala niyo yung papakasalan niyo at mahal niyo talaga ang isa't isa hahahaha. Ps. Sorry di ako marunong magkwento. Pss. Gusto ng parents ko ikasal kami para legitimate yung anak ko kaya pumayag sila sa gusto nung side ng groom Psss. Ayaw ng mga friends ko sa kanya talaga hahahaha!

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

share ko lang din, sa kasal nmin ni hubby ko kaming 2 lahat nagasikaso even ung pagbili ng dress para sa mga abay kami ang bumili sa taytay nun kasi gusto ko ung ready made na gown na talaga kaya nakita ko ung infinity dress un na ung binili nmin tsaka mura na din, lahat ng nasa entourage nmin walang ginastos sa gown at barong kasi sabi nmin un na lang remembrance nmin sa kanila (except sa make up at pamasahe nila sa araw ng kasal kanya kanya silang nagbayad nun noh hahaha) ung barong sa divi nmin pinatahi kaso nakakadisappoint ung nangyari sa amin hahaha kasi ung ibang sukat sa mga abay na lalaki hindi nasunod ung talagang sukat nila kaya nung araw ng kasal may ibang design na barong kz bumili ung mananahi ng ready made na lang, stress talaga ako nun mga teh sabi ko sana bumili na lang ng yari na kesa ung nagpatahi pa..pati din barong ni hubby ko nadismaya sya kaya ginawa pinarefund na lang tas bumili na lang kami sa Robinson ng isang set, mejo mura pa kesa ung sa pinatahi namin πŸ˜… sa gown ko naman di ako nasatisfied kasi hindi nasunod ung gusto ko di ko na pinaayos kasi dinala sa akin ung gown ko cguro mga 3 days na lang kasal na at ayaw ko na din mahassle nun sabi ko dapat talaga bumili na lang ng yari na kaya sa mga nagpaplan ng kasal jan ung yari na bilhin nyo wag na kayo magpatahi unless kakilala nyo talaga mananahi nyo..sa case ko kasi sya din nagtahi ng gown ng kapatid ko which is okay nman so tiwala ako na pag sa akin okay din kaso hindi pala πŸ˜… ang dami din hindi nasunod sa timeline ng mga pinatahi nmin kaya nung binigay sa amin ilang days na lang kasal na pero usapan nmin 2 weeks before dapat nasa amin na..sa gastos naman, lahat kaming 2 lang may mga nagbigay din sa side ko pero sa side ni hubby meron din naman pero nung time na lang ng kasal sila nagbigay, ako nagloan pa ako nun pandagdag same din sa kanya pero mas malaki ang naloan nya sa bank at pareho nmin binabayaran un ngaun..

Magbasa pa

i am 7 months pregnant when we got married, civil wedding lang yun. we only spend mga 2k for lunch sa tatlo naming witnesses ,and parents ..we even use our couple ring when we were just mag bf as our wedding ring narin kasi wala na pambili. kase that time wala pa kaming work mag asawa since kaka graduate lang namin nun sa college. we were now 7 years in marriage.and i am so thankful with that very simple wedding ceremony kasi i think we won't become on what we are now as a family if we weren't get married . .. if both sides have the same plan, everything goes well din afterwards despite all the challenges that comes along the way on your married life .

Magbasa pa
4y ago

Sana all marunong makuntento sa simple lang mamsh at hindi pashow off hehehe

Nung nalaman ni hubby na buntis ako. At sinabi na namin sa parents ko. Nag insist parents ko na magpakasal kami. Pero ayoko ko sabi ko sa kanila. Pero sinabi ng MIL ko na magpakasal nga. So nagpakasal kami. Gastos nila lahat. Ayaw namin sa bongga wedding so nag decide kami na mag civil wedding lang. Bisita namin 15 people lng kasama na kami. Family and vlose friends lng. Dinala lng namin ang bisita sa buffet. Less than 6k lng nagastos namin. Di pa kasali yung requirements sa kasal. Happy naman kami.

Magbasa pa
4y ago

Wag nyo na lng isipin mommy. Focus ka kay baby mo. Kong masaya naman kayo ni husband at ni baby mabuti yun.

Kaya ako ayaw kong magpakasal kahit swerte ako sa asawa, byenan at hipag. Wala kasing pake sa pera ang side ng lip ko at ung sa side ng family ko, yung tipong makaraos lang kami sa araw araw masaya na kami. Kahit nung malaman naming buntis ako sobrang inalagaan ako ng lip ko , byenan at ng mga hipag ko. Hindi na namin na open topic ung kasal kasi hirap din kami sa budget mas inuuna namin future ni baby. Mas matatag kami kahit Live in lang , may mga kasal nga jan di masaya sa buhay eh.

Magbasa pa

Momsh , yong love mo at love ng parents mo para kay baby i guess is enough. Ampangit naman nang parang namamalimos ka ng pagmamahal for your baby from them. Hindi mo deserve yan at lalong hindi deserve ni baby yan. You don’t need them in your baby’s life to be happy. Burden lang naman sila eh. I don’t know what’s their side of the story , pero you have to decide until when mo gustong maging ganyan ang setup nyo.

Magbasa pa

Mabuti na lang d ganyan husband ko, pero d pa kami kasal 17 weeks preggy na ako, next Yr. Pa kami ikakasal, sila lahat mag gastos, mabait rin byenan ko, was ako masabi kasi mabait sila saakin, Pero about sa life mo mamsh. Pag ako nasa kalagayan mo hiwalayan ko na lang, kung ganyan lang din ugali ng husband mo at family niya lalo nat d ko matiis makisalamuha sakanila lalo madami sila masabi

Magbasa pa
4y ago

wala na po ako sa puder nila mamsh kasi nawalan ako ng work eh kaya puro sila parinig na dapat raw kargo namin lahat since nag anak anak kami 😭 hindi naman ako nanghihingi sa kanila eh. ako na nga sumagot sa lahat ng gamit ng baby ko pati sa panganganak ko since private hospital kami at ECS yung nangyare. tinatrato nila akong basura kahit halos ginawa nila akong katulong sa bahay nila huhuhu. tapos sinisiraan pa nila ako sa mga kapitbahay at kaibigan nila simula nung umalis kami dun kesyo raw ayaw ko raw pakita anak ko eh ilang beses ko sila iniinvite sa bahay ng parents ko pero ayaw nila pumunta dapat raw kami raw pumunta don. eh ang hirap naman icommute ang baby dahil may covid 😭 nakakabaliw na po mamsh. huhuhuhu

momshie eto lg ha.. hnd reason c baby pra magpakasal.. kung una pa lg ayaw mo na tlg pinanindigan mo na tlg dapat na wag magpakasal imagine ikaw pa nag aackaso at gastos kung aq un titigil q tlg de bale na wla tatay anak q.. anyways be safe kayo ni baby..dont stress urself

VIP Member

kung ako di talaga ako papakasal sa ganian. Tapos ganian pa may attitude pa ung family ng guy.. tsk! tsk! Thank God mabait naman family ng mapapangasawa ko.

Sana di mo nalang tinuloy, momsh. But nonetheless, since nandyan na. Pagpray mo nalang po talaga na maging good husband and father yung hubby mo.

4y ago

Yes po. Since we understand po yung isa't-isa. Kaya tayo po ang magtutulungan.

alam mo mamsh. sorry ha pero napakaputang ina ng asawa mo at ng pamilya nya. hainaku sana d mo na lg tnuloy wala naman kwenta yan pati ung pamilya nay

4y ago

kinuha na po kami ng parents ko kasi po may nasaksihan po silang di maganda pero pinagtanggol po sila kaya napatawad agad sila ng parents ko kaso po lalo pong naging disaster eh malayo na po kami pero nastress pa rin po ako sa paninirang ginagawa nila huhuhuhuhu!