Dahil uso ang pagpapakasal dahil preggy na I just wanna share my story to everyone

Hi guys! Dahil wala akong mapagkwentuhan ng mga nangyayare kasi nahihiya ako sa parents ko and sa mga friends ko na nagpaalala sakin bago magpakasal. So ito na nga po ang kwento ko. Nung nabuntis ako nalaman namin 17weeks na siya. Bakit? Kasi ayaw niya maniwala na buntis ako kahit siya naman may kasalanan kasi kahit ayoko hinuhubaran niya ako at nakikipagsex siya sakin kahit pumapalag na ako. (Baka may magreact na bakit di ko hiniwalayan? Nakikipaghiwalay na po ako pero siya po yung paulit ulit na bumabalik kahit ayoko na talaga hanggang sa malaman ko na buntis na ako pero I insist na okay lang kahit di kami pero magpakaparents na lang kami sa anak namin) so ayun na nga hindi siya pumayag sa gusto ko kaya ang ginawa niya sinabi niya sa parents ko na buntis ako at gusto niya magpakasal kami pero tumutol ako (gusto niya magpakasal pero wala siyang pang gastos πŸ˜…) so ayun nga pati magulang niya nag insist na ikasal kami so wala akong choice kasi lahat na sila gusto na ikasal eh tapos ako lang may ayaw. Ang usapan pagtutulungan na lang yung kasal mairaos lang. Pero ang ending mga mamsh ako lahat gumastos at kami lang ng pamilya ko nag effort since DIY wedding ginawa namin. Imagine preggy ako tapos kami ng mama ko ang pabalik balik sa Divi para mamili ng mga gagamitin plus nagwowork pa ako non and take note commute commute lang kami non πŸ˜… so yun nga, winithdraw ko lahat ng nasa savings ko para sa kasal na gusto nila. Sinagot ko damit ng mga kapatid niya pero mga kapatid ko di ko man lang nalibre sa sobrang tight na ng budget πŸ˜… kumbaga sa lahat ng nagastos sa kasal eh 10% or less pa ata yung naibigay nilang pera sakin para pang ambag nila. Ang usapan namin kami kami lang na family and yung mga kasama lang sa entourage yung bisita para less gastos pero nashookt ako mga mamsh kasi pinamalita nila sa mga kaibigan, kapitbahay at kung kani kanino yung kasal namin edi dami gusto sumama pero hindi lahat nakasama kaya maraming nagpaparinig sakin (kasi sinabi nila na gusto raw ng bride family lang raw πŸ˜…) so ayun na nga sa araw ng kasal, sitting pretty lang yung family ng groom parang bisita lang rin hahahaha! Parents ko lang at ako nag asikaso that day sobrang hassle lalo na't ilang buwan na non si baby malapit na lumabas. Pero keribells lang hinayaan na lang namin sabi ng parents ko baka raw hindi sanay mag asikaso ng bisita. So fast forward, ilang days after ng kasal almost everyday sinusumbatan ako ng asawa ko at ng pamilya niya na pakasal kasal pa raw baon na raw tuloy sila sa utang. Tapos ako nashookt kasi hindi ko naman kasalanan kung baon sila sa utang kasi in the first place marami na talaga sila pinagkakautangan at umutang pa uli sila bago yung kasal pambili ng mga luho nila. Pero sinabi ko na lang di ko naman gustong ikasal kayo yung naginsist at ako na nga gumastos halos lahat lahat. (Gusto kasi nila magbigay ako ng pera sakanila lalo na nung nalaman nila na malaki makukuha ko sa matben). So ayun na nga kung magpapakasal kayo siguraduhin niyo muna na kilala niyo yung papakasalan niyo at mahal niyo talaga ang isa't isa hahahaha. Ps. Sorry di ako marunong magkwento. Pss. Gusto ng parents ko ikasal kami para legitimate yung anak ko kaya pumayag sila sa gusto nung side ng groom Psss. Ayaw ng mga friends ko sa kanya talaga hahahaha!

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sana Nanindigan ka simula pa lang na ayaw mo pakasal. kung pinipilit ka for the sake lang na maging legitimate ang anak mo eh sa civil na lang sana..

4y ago

nanindigan po ako mamsh. sila nagpumilit at since only girl ako sa family namin at panganay pa nahiya ako sa sarili kong pamilya kaya umoo na lang rin ako tapos nageffort na rin ako para lang hindi mapunlaan yung asawa ko at pamilya niya. so walang nakakaalam mamsh kung ano talaga nangyayare sakin sa pamilya ng asawa ko.

Nakakainis naman yang asawa mo be . jusko kme nga ikakasal nung lip ko pero sya naman gumastos lahat nag ambag lang ako konti.

Ang hirap ng ikaw na nga gumastos halos lahat at nag effort tapos susumbatan ka pa kahit di ka na pumapatol. πŸ˜…

it's better to remain single than to be married with a wrong guy. p. s. We deserve who we chose.

4y ago

Totoo po. huhuhu. Kaya hiling ko lang sana mag pakaama naman siya sa anak namin huhuhuhu

sayang sis, dpat pinush mong di magpakasal. Di mo deserve yung ganyan, torture yan sa life mo.

4y ago

Kaya ko naman sanang magtiis sis eh. Kasi simple lang naman yung hiling ko kahit puro panghuhuthot lang ng pera ang ginagawa nila. Nakikiusap lang naman ako sakanila para sa baby ko. Gusto ko ibigay nila yung deserve na love ng baby ko. Pagmamahal at pag aaruga lang sis sobrang saya ko na don pero bakit di nila maibigay. huhuhu hindi naman ako nanghihingi ng malaki o pera sa kanila eh 😭

VIP Member

momsh we deserve to be loved and you have a good heart. love na love ka ng baby mo for sure

4y ago

Sobrang swerte ko po sa baby ko sobrang lambing po lalo na kapag umiiyak ako kahit baby pa siya nayayakap niya mukha ko at napupunasan niya po luha ko kahit para pahampas po ginagawa niya since baby pa lang po siya. Pero nalulungkot lang po ako kasi hindi na nga po nagpakaasawa sakin yung asawa ko pati pagiging tatay di rin niya ginawa huhuhu. Palagi ako nakikiusap na magpakatatay naman siya kasi deserve ng anak ko yun eh 😭

help momshies Anu po maganda partnEr ng name na vera____ ? p

4y ago

Vera Nyx Samantha Vera Ashanti Vera

pa annull na mamsh agad πŸ˜‚

4y ago

bet ko mamsh πŸ˜… kaso no work na eh wala pa akong budget

aba ai matindi

4y ago

kinuha na po ako ng parents ko kasi may nangyare po na nasaksihan nila pero pinagtatanggol ko pa rin po yung pamilya ko kaya umokay naman po pero ayun nga lang po nasa parents ko na po kami ng baby ko tho pinatawad po agad sila ng parents ko. Ilang beses ko po sila iniinvite sa bahay para makasama nila baby ko pero ayaw po nila. ang gusto po nila yung baby ko ang pumunta don pero hindi po pwede icommute ang baby since may covid pa. ilang beses ko po pinaliwanag pero nagagalit po sila sakin tapos sinisiraan po kaming lahat ng pamilya ko. huhuhuhu