Sorry, anak..

Gustong gusto kong lumaban pero napanghihinaan na ko ng loob. Umalis ako sa amin dahil sinasaktan ako ng mga kamag anak ko, 8 months na akong buntis. Kinuha ako ng boyfriend ko at pinatira sa kanila, sa umpisa naging okay naman ang lahat, nag propose sya sakin nung new year. Makalipas ang ilang araw, nag iba yung trato niya sakin, naging malamig sya, hanggang sa nalaman ko ma may babae pala sya sa office. Nung kinompronta ko siya tungkol dun nagalit sya sakin, sinumbat niya lahat lahat ng tulong niya, lahat ng mga sinabi ko sa kanya tungkol sakin ginamit niya laban sakin, na kapareho lang ako ng pamilya ko, magkakaugali kami, na dapat lang skin na binubugbog. Hindi nga ako sinaktan ng pisikal pero yung manggaling sa kanya yug mga salitang yun, paranh tinusok yung puso ko.Mula pagkabata ko, sinasaktan na ko sa amin, wala kong ginawa kundi manahimik, nung dumating sya, akala ko meron na kong makakasama, meron ng tatayo sa tabi ko, meron ng poprotekta samin, isa rin pala sya sa mananakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko, wala akong pera, di na ko pumasok sa trabaho dahil high risk ung pag bubuntis ko, nakadepende ako sa kanya kaya nasusumbatan niya ko. Wala akong magawa kundi bumalik samin. Sana paglabas ng anak ko, maging maayos na ang lahat, sana maging mabuting ina ko sa kanya. Sana mapatawad niya ko dahil puro sama ng loob yung naramdaman niya simula nung pinagbuntis ko sya..

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pakatatag ka mommy para kay baby. Pag andyan na po si baby, walang hindi kakayanin ang mommy. ❤️

Stay Strong mami para kay baby 😢🙏

:( 🙏