Ang gastos.

Gusto ko lang mag rant mga momsh. Dont judge po. Gusyo ko lang ilabas to sa sistema ko. Simula nung first check up lagi nang every 2weeks napunta ako sa OB. Nung una may hemorrage understood naman monitor inom gamot pag kakamahal, vitamins nakakasuka. Tapos UTI naman second check up. Tapos sunod highblood naman. Parang hindi nako nawalan ng sakit. Sabi sakin normal lang daw pero wala nakong maipon sa panganganak panay check up at gamot nalang napupunta. Nakakaiyak kase first baby ko. Ayaw kong mag Lying in gusto ko ospital pero ang budget ko pang lying in lang. Naiiyak ako kase wala akong pera. Nag stop ako mag work kase pinag bedrest ako. Pinatigil nadin ako ng jowa ko mag work kase ayaw nyang may mangyare kay baby. Pero nahihirapan akong nakikita jowa ko na namomoblema sa lahat tapos wala akong magawa. Wala akong kwenta. 😔 nakaka-stress mga momsh kala ko madali lang. Gusto ko na talagang mag kababy at hindi ko ineexpect na magkakababy ako ever kase akala ko baog ako. Sobrang saya na malungkot kase hindi ko napag handaang maige. Na didisappoint ako sa sarili ko. Grabe. #1stimemom #firstbaby #pregnancy

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

it's ok na ilabas mo nararamdaman mo. I'm also in bed rest unpaid ren at Hindi madali Makita mga partner natin sinasalo LAHAT Ngayon.. wag mo ren hayaan na ung negative thoughts / feelings mo maging dahilan para mapahamak kayo, wag mommy, makakaapekto Kay baby Ang mood / feelings natin. heto na Lang isipin mo na blessed ka at may baby na, yon Ang Gawin mong inspiration to get back pag kaya mo na.. sa ngaun think for yourself and baby dahil Ang work at money mapapalitan natin, pero Ang anak kahit kailan Hindi natin mapapalitan. kaya mommy, take it easy Ren at surround yourself with those people na pwede makinig Sayo at write a journal sa lahat Ng thoughts mo, and most importantly pray ka pa ren. ❤️

Magbasa pa