Ang gastos.

Gusto ko lang mag rant mga momsh. Dont judge po. Gusyo ko lang ilabas to sa sistema ko. Simula nung first check up lagi nang every 2weeks napunta ako sa OB. Nung una may hemorrage understood naman monitor inom gamot pag kakamahal, vitamins nakakasuka. Tapos UTI naman second check up. Tapos sunod highblood naman. Parang hindi nako nawalan ng sakit. Sabi sakin normal lang daw pero wala nakong maipon sa panganganak panay check up at gamot nalang napupunta. Nakakaiyak kase first baby ko. Ayaw kong mag Lying in gusto ko ospital pero ang budget ko pang lying in lang. Naiiyak ako kase wala akong pera. Nag stop ako mag work kase pinag bedrest ako. Pinatigil nadin ako ng jowa ko mag work kase ayaw nyang may mangyare kay baby. Pero nahihirapan akong nakikita jowa ko na namomoblema sa lahat tapos wala akong magawa. Wala akong kwenta. πŸ˜” nakaka-stress mga momsh kala ko madali lang. Gusto ko na talagang mag kababy at hindi ko ineexpect na magkakababy ako ever kase akala ko baog ako. Sobrang saya na malungkot kase hindi ko napag handaang maige. Na didisappoint ako sa sarili ko. Grabe. #1stimemom #firstbaby #pregnancy

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kaya nyo yan mhie ang pera nahahanap😊 ive been there 2x ako nagbuntis maselan at talaga nmn nakakasimot ng savings, bukod dun cs pa ako 2x i lost my first child due to preeclampsia tumaas ang BP ko kaya i advice you to take extra care and follow your OB advice. Kung kinakailangan ng teamwork gawin mo po. At higit sa lahat surrender all your worries to the LORD😊 goodluck momma wag ka masyado magpaka stress makakaraos ka rin. Kami ng asawa ko nabaon din sa loan mula nagbuntis ako gang nanganak ako pero worth it lahat ng sacrifices namin kc nakapag uwi ako ng baby sa bahayπŸ˜ŠπŸ™

Magbasa pa