22 Replies

VIP Member

Sb nga po nakakaubos raw po talaga ng pera ang magkakababy. Positive lang po. Try niyo po mag prelove sale para makatulong po. Lahat po ng puwede kong maibenta binenta ko po though hindi pa po lahat nabibili pero kahit papanu po. Suggestion lang po. Yes po nakakastress pinagdaanan ko rin po yan basta pray lang po kailangan po talaga iyon

nag-resign ka ba mamsh? dapat hindi. pwede ka mag-avail ng sickness claim sa SSS if naghuhulog ka. Ganyan din ako. Bedrest for 4months. worth it yan paglabas ni baby. Swerte mo din alaga ka ng OB mo. na-prevent niya yung masamang pwedeng mangyari sayo and kay baby. mas masakit mawalan ng baby kaysa pera.

feeling useless ko rin pero kung may hospital naman dyan na public na pwedeing dun ka manganak at makakapag tipid ka kada check up edi dun ka nalang sa public hospital . wag kang ma stress mommy wag kang mag worry e enjoy mo bawat araw na nan.dyan c baby sayo at na feel mo na gumagalaw cya sa tummy mo

Nako Mommy. Laban lang. Wala pa yung mismong panganganak. Ang pera naman kikitain, pero yung life at joy pag nanjan na si baby, hindi mabibili ng pera yun :) Ako nakamenos sa check up at hindi super selan magbuntis pero napagastos nung manganak. More than 60k, normal delivery pa yan 😊

Wag ka pong mag paka-stress. Ako nga po, hindi napagplanuhan. Nainom ako ng pills pero nung time na na preggy ako, nalilimutan ko uminom. Todo kayod ngayon ang mister ko, pero wala kaming pinagsisihan. Kahit ano pa ang pasukin basta para kay baby, kakayanin. Cheer up!

TapFluencer

tiis lng sis and don't forget to pray pag makaraos kna worth it Naman lahat ng gastus mo at pagud ,wag ka lng magpadala sa stress ganyan talaga pag buntis npaka gastus kisa pag anak naku pero Masaya Naman every galaw ni baby sa luob ng tummy ,☺️

Mommy same tayo. 7 weeks una kong ultrasound. Pagka 8 weeks ngka UTI ako. 10 weeks naman ngka asthma. Hanggang ngayon 11 weeks. OB chaka Pulmo ang check up ko. Plus meds. :( nag worry din ako kasi ang sakitin ko naman na buntis

Hello sis magastos talaga ang pagbubuntis. Huwag ka pastress ha. Pray ka na lang na maging healthy kana for you baby at hubby. Godbless us all mga mommy!

ifeelyou mommy sobrang nakakastress yong tipong hindi mo na alam kung anong gagawin mo sa sobrang dami gastosin😭 maiiyak ka nalang talaga.

Don't stress yourself. You're doing that for your baby para mabuhay siya..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles