Decided na bumukod na ng bahay

Hello. Gusto ko lang po sana humingi ng pampalakas ng loob at mbasa ang experience nyo o naramdaman nyo nung una kung same tayo ng situation ngaun. After po kami kasal we decided na bumukod agad ng bahay kami lang dalawa ni hubby. Since nalaman ko na pregnant ako umuwi po ako sa mother ko dahil maselan ang pregnancy ko. Kasama ko sa bahay mother, father ko and 3 kapatid ko na teenager ako po panganay. Hanggang sa 4months na si lo sila kasama ko at nauwi lang si hubby weekly. Unang apo po si lo kaya mahal na mahal ng pamilya ko. Ngaun po eto na ung situation ko we decided na umuwi na ko sa bahay namin ni hubby which is ako lang at si hubby at si lo ang mgkksma. Nalulungkot po ako kasi parang feeling ko malulungkot din si lo kasi wala na sya mdami kasama sa bahay nag woworry din ako na baka lumaki sya na takot sa tao dahil kami lang mag asawa kasama nya sa bahay. Dahil my work si hubby madalas ako lang magiging kasama nya mag hapon. 4months po si lo turning 5 this 21st. ngaun pa lang nangingilala na sya. Pag my ibang tao nahawak sa kanya o ibang lugar na di sya familiar naiyak sya at super clingy sya sakin dahil cguro pure breastfeed sakin. Pa share naman po ng experience nyo. Nalulungkot po kasi ako ngaun na baka ndi ko mapalaki at ndi mging masaya si lo habang nalaki sya na ako lang madalas ang kasama nya. Sori po first time mom po kasi ako. Ung bahay po namin ngaun ay malayo sa parents ko and wala kami relatives na malapit po sa area. Will appreciate po all your comments. Thank you.

2 Replies

TapFluencer

Mas okay na din na umuwi ka na sa bahay ninyo. Eto lang ah ang mga baby natin wala ng mas sasaya sa kanila kapag tayo ang kasama nila. Sa ganun naman nothing to worry kami nga since birth until mag 1 yr old si baby walang iba tao nakikita at nakakasama araw araw kundi ako lang at asawa ko tapos pandemic pa noon. Labas labas na lang para masanay siya sa tao or places :)

Okay lang yan. Ganun naman talaga ang baby saka at sa ganyang edad kasi madami na sila nakikita try to play with the baby na lang tapos labos kayo sa bahay para minsan malibang si baby. Masasanay din yan si baby ang importante nakikita at nakakasama niya mga lola at lolo niya. Ung baby ko after 1 year first time niya makita mga lola and lolo niya ayun ilang days kilala na niya :) tapos may times din talaga nangingilala sila ung tipong iiyak pa kasi ayaw magpakarga sa iba.

VIP Member

need pa rin ng baby nyo makipagsocialize sa ibang tao mamsh

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles