SAD

Gusto ko lang po mag open. Para di mabigat sa dibdib preggy din po kase ako. 6 mons na. Okay naman po yung buhay. Masaya kami ng asawa ko. Wala problema sa fam side niya. Pero saken po meron. Yung nanay ko na. Akala ko siya yung makakaintindi. Makakaunawa. Makakapag bigay pag kailangan. Ang sakit sa puso. Kase mismong nanay ko pa yung nag dodown saken. Hindi ako nag mamalinis. Hindi din ako yung perfect na anak. Nandito po kami sa bahay ng tatay ko. Dahil na rin na pandemic di kami nakakapag bigay. Pero di ibig sabihin non pabigat kami. Yung kanin kinakain naming lahat binili ko yon. 6 kami sa bahay. Kami dala nung asawa ko. Tas silang Apat. Ako nag luluto. Almusal. Lunch and dinner. Ako lahat. Kukuha lang ako ng half kilo sa karne nila. Tas bili ako ulam namin mag asawa (pero di niya alam) kase mag hapon wala siya nasa sugalan halos araw araw. Tas pag uwi niya nakikita niya kami nag didinner ang sama ng tingin. Pero binili po namin yung kinakain namin. Nag hahalok asawa ko. Namimigay ako. Di ako madamot. Pag siya. Tinatago niya yung pag kain samin 😞 pag nag luto ako kumain kami ang sama ng tingin😞 tas dalawa lang kami nakikihati pa siya sa bayarin. Di naman kami ganon kagastos kase mag hapon wala asawa ko. Nag bibigay ako cash. Nakakapagod lang. Kase yung akala ko na iintindi. Yung akalako na okay naman siguro kase alam na mamganganak ako. Hindi pala. Lagi siyang bwesit samen mag asawa. Napapagod nako. Kase nag tatanong din asawa ko bat ganun siya wala ako masabe kase nahihiya ako. Kase yung nanay nung asawa ko sobrang bait. Simula dalaga ako hangga sa kinasal ako ganito na kahirap makisama sakanya. Sa tatay ko wala problema. Sakanya lang. Humihingi ako gabay kay jesus na sana pag dumating na yung panahon na mag kakasarili bahay kami at may kaya na sa buhay hindi ako mag mamataas sakanya sa lahat ng ginawa niya saken 😭 ang sakit kase sa dibdib na hindi naman kami pabigat pero ganyan siya makisama samin. Di kami nag rereklamo. Hindi kami nag sasalita na lumalaban. Lahat ng hingi niya bigay. Kahit na minsan kami na yung wala. Sana gabayan kami ng may kapal. Hindi ako nag mamataas kahit kanino. Hindi ako nag yayabang at hindi rin inahapakan pag katao ng iba. Ang hirap makisama sa sarili kong nanay. Ang hirap po 😭

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Masakit isipin sis na ganyan pala ka toxic nanay mo..mahirap tlga pag adik sa sugal nanay mo lalo na pag natalo .. Ska matagal pa yan sis bago kayo mkapag pundar lalo na sabe mo sa inyo din pagkain ang kinakain nyo, nagbibigay din kayo sa nanay mong toxic . kung ako sayo sis total mabait naman byanan mo don muna kayo para makapg pundar kayo ng sariling bahay .. Ska always pray lang kay GOD and wag msyadong ma stressed mas kawawa si baby kc apektado sya .. . hayaan mo nanay mo wag mong pansinin isipin mo baby mo.

Magbasa pa

Hay! ☹️ Accept the fact na may mga toxic na tao talaga sa buhay natin at minsan sila pa yung taong malalapit satin. Siguro gawin nyo tong motivation mag-asawa para makapundar kayo agad ng sariling bahay. Just imagine sis, ikaw na anak nahihirapan makisama what more pa kaya si husband mo so mas maigi talagang magsarili. Wag ka masyado magpa-stress kasi makakasama kay baby.

Magbasa pa
5y ago

Kaya nyo yan sis basta set nyo talaga syang goal mag-asawa. Okay lang maliit basta may peace of mind ka at masaya kayo ng pamilyang binubuo mo ngayon. ♥️ Wala naman sa extravagance ang happiness minsan sa mga pinaka simpleng bagay lang talaga. 😁🥳

Wag ka po maistress mommy wawa po si baby. Isipin mo kapakanan ng baby nyo at wag mo initindihin mother mo. Hindi mo responsibilidad na pasayahin yan. Kahit anong kilos mo "You can't please people" kamag-anak mo man or hindi. May sarili ka nang buhay. Sana makabukod na kayo para iwas stress din sa iyo at kay baby nyo 😊

Magbasa pa

hayaan nyo nalang po mommy nyo ☺️. wag mo nalang po pansinin masyado baka makaapekto kay baby kapag nastress ka ng sobra. do ur responsibility nalang po while ur staying sa house nila ☺️. mapapagud din po sa pag susungit ung mommy ☺️.

Sa palagay ko momshie to be kahit mahirap subukan nyo ng bumokod makakaraos din kayo .para nrin sa kalagayan mo wag ka papatress.good luck at sana normal kang manganak keep safe ❤❤❤

Thankyou so much po sa mga nag nag payo sakin 😭 naappreciate kopo lahat thankyou thankyou 😞 bubukod din po kami. Kaso hinihintay pa yung house na binibigay samin. Thankyou po 🙏

Mas maigi talagang bumukod