Goodbye My Baby Nisha Calixa πŸ˜­πŸ‘Όmy 18weeks baby 😭

Gusto ko lang po ilabas yung lungkot ko kasi iniwan na po ako ng baby Nisha Calixa ko. πŸ˜­πŸ˜” Nov. 30 mga bandang 2am ng madaling araw masakit na yung balakang at puson ko. Which is di na ako nakatulog ng maayos nakakaidlip lang pero magigising ulit pag sumasakit. Araw din ng check up ko ng Nov. 30 kaya di na rin ako nagtuloy tulog ko 5am gising na gising na ako. Pabangon bangon na ako kasi di na ako mapakali masakit talaga puson at balakang ko. Kaya pa naman ang pain kaya di ako ganun nagworry kasi madalas ko sya maramdaman. Mababa kasi matres ko at Nov. 1 pa lang dinudugo na ako. Muntik na ako makunan nung Nov. 4 kasi nilalabasan na ako ng malalaking dugo at parte ng inunan. Pero nung nagpacheck up ako sa Ob ko okay naman daw baby malikot niresetahan ako pampakapit. At gamot sa contractions ng tiyan ko. Pero nung IE ko nun open na open daw cervix ko pero ayun nga wla naman ibang sinabi si ob kundi continue sa pampakapit. Not knowing na pede pala tahiin ang cervix kapag open cervix kasi kapag open daw e anytime pede lumabas ang baby. Eto na nga po nangyari, aalis na sana kami nung Nov. 30 para magpacheck up pero parang di ko kaya kasi sa sakit ng puson ko at balakang di nawawala as in umiiyak na ako hanggang sinabi ko sa asawa ko na" dalin na ako sa ospital hindi ko na kaya" Bukid pa kami malayo sa bayan. Tumawag na sila sa ambulansya dito sa barangay namin habang inaantay lalo sumasakit at ramdam ko na may lalabas na. May pumutok na at para akong naihi lalo akong umiyak at natakot. After 2 mins napahiyaw ako sa sakit sabay paglabas ng baby ko. 😭😭😭😭nanghina na ako. Nakapa ko na paa nya. Sa bahay pa lang nailabas ko na sya. Di na inabot sa ospital. Nanghihinayang lang ako kasi nung niraraspa na ako sabi ng Ob ko " sa susunod na pagbubuntis mo tatahiin na kita" may option naman pala na tahiin cervix ko noon pa lang di naman sinuggest sakin. πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜” Naagapan sana buntis pa sana ako. Regular naman ang check up ko. Kulang na lang tumira ako sa clinic ng OB ko kasi maselan ako. Kumpleto sa vitamins pampakapit. Bed rest kung bed rest ako. Iningatan naman namin ang baby ko. Pero kinuha pa din sya sakin. 😭😭 Sobra pong masakit di ko po matanggap. Di man lang nabigyan ng chance ang baby ko na mabuhay. 😭😭😭😭 Di man lang ako nabigyan ng chance mapalaki sya. 😭😭😭 Sabik at excited pa naman kmi sa kanya. Lagi ko naman pinagdarasal na kahit Lord makaisa lang ako. Okay na ako magkaanak lang ako. Kasi nga po sobrang selan ng pagbubuntis ko. At pangalawang beses ko na po ito na nakunan. Siguro nga po di pa rin po ito para samin. Pero minsan naiisip ko po parang ang unfair po. 😭😭😭😭 Yung iba ayaw naman magkaanak , magulo ang pamilya, hirap ang buhay. Ako naman po masaya naman po pagsasama namin ng asawa ko, ready naman na po kmi magkaanak. Pero di pa din po kami pinagbigyan. 😭😭😭😭Masakit lang po talaga. Di ko po alam kung ano po plano ni Lord skin. Pero hinahabilin ko na po sa kanya ang Baby Angel Nisha ko. Baby Nisha tulungan mo ako makabangon ulit. Sa ngayon masakit, sobra akong nalulungkot. Lagi kita ipagprapray. Bantayan mo kami ng Dadiii. Mahal na mahal ka namin Baby ko. 😭😭😭

Goodbye My Baby Nisha Calixa πŸ˜­πŸ‘Όmy 18weeks baby 😭
712 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy tatagan mopo loob mo, di masama na umiyak ilabas nyo po yan, need nyo po ng makakausap lagi about dyan. Naranasn konadin mawalan ng baby and sobrang hirap i feel your pain din. May mga times pa nga na napapanaginipan ko sya, tas minsan maiiyak nalang ako na tulala mixed emotion. Dumating sa point na pinagbawalan ako magbuntis in 2 yrs, pero in unexpected blessing po ay dumating at binigay ni god samin magasawa πŸ˜‡πŸ™πŸ»Pray po palagi kay god at ibibigay nya din po sainyo yan. πŸ˜ŠπŸ™πŸ»β˜πŸ» Alam po ng baby nyo kung gano nyo sya kamahal ❀️

Magbasa pa

Sorry for your loss mommy... Ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo.. And parehas siguro tayo d pinalad sa mga ob ntin.. Yung sa case mo mommy meron nmn po treatment dyan yun yung cerclage po ata yun..pagaling ka mommy pray ka lang yan lang ang makakatulong sayo.. Di ka pababayaan ni lord.. Your baby now is an angel at happy na sya kasama si papa god.yan yung mga panahon na sobrs lungkot ko miss na miss ko na yung baby ko kinakausap ko lang si lord. Kahit paano nababawasan yung lungkot ko.. Mgpakatatag ka langπŸ™πŸ’ͺ

Magbasa pa

ang sakit,πŸ’” ramdam kita mommy 1 month palang nakakalipas ng mawala din ang baby ko sobrang sakit walang katumbas yung sakit na nararamdaman ng isang inang nawalan ng anak. 30 weeks na si baby ko nun.. nag preterm din ako.. pray lang tayo mommy may plan si God satin bibiyayaan niya uli tayo wag tayo mawalan ng faith sa kanya kundi lalo pa tayo magtiwala sa mga magagawa pa niya sa buhay natin.. masakit, mahirap, nakakadurogπŸ˜” pero andyan si God sa kanya tayo kumuha ng lakasπŸ™πŸ™πŸ™

Magbasa pa

Condolence mommy ganyan din po Yung kapit bahay namin laging nakukunan maluwang daw po Yung sisipitan nitmya 5 months palang Yung baby sa tiyan, nawawala na,,, yes mommy pwede daw tahiin,,, tatlong beses na siya nakunan,,,, wag ka mawalan ng pag Asa mommy try mo parin ibibigay din ni God Yan sa Tamang panahon mag tiwala Lang po tayo sa knya,, mahirap mawalan ng anak dhil ako ranas ko na Yan 2 years old anak ko nung namatay siya sobrang sakit hanggang ngayon kahit 1 year na siya wala masakit prinπŸ˜‘

Magbasa pa

Gnyn din po ako mga 18weeeks din may 19 d ko alm pumutok n pla pnubign ko sa tkot ko ngpcheck up aq sa ob ko nung may 20 cnbi ko nga n prng pumutok n pnubign ko pero wla nmn syng cnbi tpos may 21 ayun n biglang kumirot tpos may konting dugo n lumalabas tas pgdting ng hospital d agd ako naasikso d ko alm ggwin kung posisyon kc sobrng sakit hnggng sa d n aq nkaabot ng er lumabas n sila... Sayang kambal sna first baby ko 1boy 1girl ok n sna ako kung ntuloy kso gnun tlga d kloobn ng Lord...

Magbasa pa

Condolences 😭 sending virtual hugs mommy. Kaya mo yan. Kaya yung ibang mga babae na nagtatanong sa app na to kung ano ang pwedeng gawin para hindi matuloy ang pagbubuntis, sobrang swerte nyo sa part na biniyayaan kayo ni Lord ng baby kase madaming tulad ni mommy na gustong gusto magkaroon ng anak pero hindi napagbibigyan. For you mommy, may plano po si Lord. Tiwala lang tayo sa kanya. Praying na sa next pregnancy mo, successful na para may matawag ka nang BABY mo ☺️😘

Magbasa pa

Next time mabuntis po kayo try nio po magoa check if positive kayo o meron kayong APAS. Nakalimutan ko ano tlaga meaning nung APAS bsta pra sya condition na + ka sa isang antibodies sa katwan mo kaya ka parati nakukunan. Yung katawan mo mismo nag rereject kay baby. May tinuturok silang pag ganun. Sorry for your loss and if ako yun, sasampahan ko ng kaso si OB. Parang negligence yun na alam na nya na open cervix ka eh di man lang tinahi o nag suggest na tahiin. Sorry for your loss po.

Magbasa pa

kaya mo yn sis, twice na rin akong nakunan. try mo pacheck kung may Apas ka, i dont know kung meron ako nyan pero nabasa ko lng kasi n pg always nakukunan baka malapot yung dugo, sinabi ko yn sa OB ko, khit walang confirmation kasi wala akong pmbayad sa test pinag -Aspirin ako ni Ob. Try mo din pahilot pataas ng matres, kasi sobra daw baba, di ako naniniwala sa ganyan pero ng try ako kasi wala nmn mawawala. Thank God ngayon may baby na ako 1 1/2 months na sya at healthy.

Magbasa pa

Condolence po mom, hinde ka po nagiisa sa ganyan na kalagayan na mangarap magkaanak ako man din gustong gusto pero hinde ako nabibiyayaan πŸ˜”nakakalungkot! nadedepress din ako tuwing umaasa ako tapos wala , buwanang dalaw lang ang dumadating, ingat na ingat na nga ako at halos ayaw ko uminom ng gamot pag masakit ang ulo ko.. siguro hinde pa talaga kalooban ng Diyos kaya kapit lang momshie huwag ka mawalan ng pagasa magkakaroon din tayo nito πŸ™

Magbasa pa

condolence po pry is the best nalagpasan kona yan alam kong kakayanin nyo yan para sa mahal nyo sa buhay sobrang sakit talaga mawalan ng anak ako 2times na ko nakunan, after non try and try lang iwas nadin sa bisyo ko at triple pagiingat then nagpataas ako ng matress pahilot after 5months.. i'm blessed to be preggy again... tiwala lang po pakatatag kayo andyan si lord palagi hindi nya tayo pababayaan. ❀

Magbasa pa
Related Articles