Update lang po part2 😊

EDD:August 17,2020 DOB:August 14,2020 Gusto ko lang po i-share pano ako naglabor at nanganak. @8:30 am check up ko (august 13) jan pa lang 3cm na ako. After ng check up umuwi na kami ni lip, at 11am nagstart na yung contractions ko, still monitor pa din sa brown discharge na lumalabas sakin kung magtuturn siya sa pinkish color. Hindi ko din alam na naglelabor na ako nung 11am. Pero ok pa din kasi tolerable pa naman yung sakit hanggang sa mag 6pm na may pinkish discharge na. Sinabi ko na sa ate at sa mama ko. Sabi ng ate ko labor na daw ako kasi from 11am to 6pm yung pain na nararamdaman ko is matagal. Edi bihis ng mabilis tapos alis na. Pagdating namin sa ospital ng 7pm na-admit nako. 4cm na daw ako edi ok pa rin yung sakit, x-ray and blood test tapos na pero nakakatawa pa ako sa sakit. Sabi nung gumuguyod sa wheelchair ko habang dinadala ako sa room ko ang sabi niya sa isang nurse"bukas pa to manganganak, nakakatawa pa e". So sabi ko "malay mo kuya mamaya na". Pero hindi pala, at 8pm nagstart na yung totoong sakit na hindi ko na mapaliwanag, namimilipit ako sa sakit, pinipiga ko yung plastic na nakaharang sa higaan ko, "mama masakit" na lang ang nasasabi ko. Pinapagalitan ako ni mama ko kasi hindi niya alam na kada oras e dumadagdag yung pain and paiba iba yung interval. Merong 5-7-10minutes tapos naglalast lang ng 40 seconds. "Mama please tawag ka na nurse" di pwede sabi niya kasi kakasalang ko pa lang. Ganun daw talaga kasakit ang labor kaya tiisin ko. Hanggang sa todo na yung sakit na mapapairi na lang ako sa sakit, yung higaan ko sinisipa ko na, yung bakal ginagalaw ko na tapos hinahampas ko na din yung pader. Eto din yung mas grabe, para akong nag eepilepsy sa sobrang sakit. Hindi ko maipaliwanag, hanggang sa 4am na IE ulit ako then 5cm na. Hindi helpful yung inhale-exhale kapag sobrang sakit na kasi parang gusto mo na lang mag inhale sabay iri. 8pm-4am iyak lang ako ng iyak sa sakit kaya yung mata ko ngayon maga na talaga hahaha. At 6am 6cm na ako. Naiinis lang ako kasi kung hindi lang talaga pandemic hindi ako lilipat sa public kasi gastos yung inaalala namin. Sa private kasi tutulungan ka during labor para makaraos agad, di tulad sa public na ipaparanas talaga ang ilang oras na labor. Nagtalo pa kami ng mama ko about jan, tho hindi samin ang gastos pag nag private ako pero ayaw pa din umasa ni mama sa side ni lip kasi kakahiya din kahit nagbibigay sila pera. So ayun, labor pa din hanggang sa nag pa-IE ulit ako kasi sobra na talaga yung sakit, sumabay na talaga pag ire ng pwet ko and ayun, 10 cm na nga daw. Nagulat lang ako na from 7pm-6am nasa 4cm to 6cm lang. Pero after 2hrs naging 10cm agad at 8am. So ayun pinutok na panubigan, kami lang ni midwife sa loob, so kampante ako. Akala ko si baby na yung tumalsik, panubigan lang pala haha kaya ang sabi umiri ako. Umiyak ulit ako kasi pinahinto ako kasi lumambot tiyan ko kaya lang sabi ko "di ko na kaya masakit na talaga" sabi niya sige iiri mo na. Napnsin niya na magaling ako umiri kaya di kami masyadong nahirapan kay baby. Sobrang sakit pero nakaraos din ako. Habang tinatahi ako niyayakap ko na lang si baby para di maramdaman yung pain. Laking pasalamat ko kay God nakaraos kami thru normal lang. #1stimemom Goodluck sa mga future mommies jan. Kaya niyo yan!

Update lang po part2 😊
34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Buti ka nga po kasama mo mama mo ako kasama ko bwinan asawa at kuya nya sa hospital pero gang sulyap lng kame sa pinto di nila ko nkakausap or mahawakan mag isa ko tiniis sakit from 5pm to 12:54nn haha Tapos after 2days pa nila kame nakita kc nsa recovery ward kme ni baby monitor Puro doctors at nurse lng tlaga mkikita mo wla k makausap bawal cp bwal bag food at gamit lng ni baby pede sa loob Haha pero thanks paden at nairaos ko un lakas ko pala 🀣 OSPITAL ng Maynila

Magbasa pa
4y ago

Nerbyosa nanay ko after ko Manganak na sya pumunta nung nasa ward na kme.. Sya namn ka tuwang ko mag alaga sa mga anak ko Saka close kame ng byenan ko kaya palagay loob ko twing manganganak ako sya at asawa ko kasama ko sobrang supportive ng byenan ko kya sobrang blessed kame ng asawa ko sa magulang nmin❀️❀️

I felt that pain. Yung tipong kahit ihagod nang mister ko yung balakang ko masakit talaga... sa eldest ko duration lang ng labor ko is 30mins kasi induced ako. Iba talaga ang mga mommies, may kakaibang power para makayanan ang ganung pain. ❀ Congrats mommy, ako naman by September. ❀

5y ago

salamat po! goodluck sa inyo, kaya niyo yan! πŸ₯°πŸ’ͺ

congrats mommy! kinakabahan ako habanh binabasa ko to kahit pangatlong pagbubuntis ko na to natatakot pa rin ako πŸ˜… pero gusto ko na talaga manganak ng makapagwork na haha hirap ng single mom.

5y ago

kaya niyo po yan! goodluck po sa inyo! πŸ₯°πŸ’ͺ

VIP Member

Congrats! Naalala ko tuloy nung nanganak ako sa panganay ko. Sobrang sakit maglabor ang ingay ko tinatawag ko mama ko haha buong araw ako naglabor nun tapos maccs lang pala ako πŸ˜… share ko lang hehe

5y ago

hahaha yun nga din po iniisip ko, na maccs ako. pero mas inisip kong tiisin ang labor kasi nakita ko yung kasama ko sa room na cs po, and di siya makagalaw ng maayos, iniisip yung tahi, parang may mahuhulog daw sa kanya at masakit sa feeling. pero pag normal ilang weeks lang then ok na.

Actually ke public ke private po wala cla magagawa kung ayaw pa lumambot ng cervix. mo..masakit tlga ang pag lalabour..congrats parin anyway..

ganyan talaga mamsh pag sa public. paparanas sayo lahat! 😁 ranas na ranas ko yan sa dalawa kong kids. πŸ’— congrats po!

5y ago

salamat po! πŸ₯°

Congrats mommy ❀️ pero hindi ko alam sa twing naiisip ko mga ganyang senario sobrang kabadi nako 😩 huhuhu

5y ago

Salamat po mamshie ❀️

VIP Member

congrats po! buti pa kayo naka raos na. #TeamAugust2020 din ako pero sa 24 pa due date ko

5y ago

pray lang po πŸ₯°

VIP Member

Congrats po πŸ₯°. Worth it lahat ng sakit kapag nakita at nayakap mo na si baby

5y ago

totoo po yun haha salamat po! πŸ₯°

VIP Member

congrats mamsh..same po tau ng edd pero no sign of labor pa dn

5y ago

be ready na momsh, ang ginawa ko na mabilisang paglaki ng cm is pinahaplos ko balakang ko sa mother ko. @ 6am 6cm na ako. so after 2hrs na paghaplos ng mother ko sa balakang ko e 4cm agad nadagdag kaya 10cm agad. yun din turo ng nurse samin. every contractions sa balakang dapat humaplos, wag sa tiyan.