Hello mga momshies pa help naman po depress n depress po ako

Gusto ko lang po humingi ng advice mga momshies may bf ako for 5 years nagkababy kami & 3 months na po baby namin now, bale nung nabuntis po ako nag resign na po ako sa work and then tumira na po ako sa bahay ng bf ko kasama ko po family niya sa hongkong po kasi siya nagwowork, ok naman po ang sustento po ng anak namin pero sa tuwing nag aaway po kasi kami o pag mainit ulo niya lagi niya po pinaparamdam na wala akong kwenta mababa daw po iq ko, tanga tanga daw ako pokpok daw ako tapos ang malas daw po ng baby namin kasi ako daw po ang naging nanay ng anak namin at kahit kelan daw po hindi niya daw po ako pakakasalan at kayang kayang daw po ng katulong yung mga ginagawa ko at marami pa pong mga masasakit at panunumbat na salita po ang sinasabi niya kin. And feeling ko po hindi na po niya ako mahal hindi na po ksi kami sweet sa isa't isa. Kahit mag ilove you po parang pilit na pilit na lng po magsabi. Gusto ko na po sana makipaghiwalay pero wala po akong work ngayon & under grad po ako ng college. Naawa din po ako sa baby po namin kung makikipaghiwalay po ako. Masyado n po kasi ako nanliliit sa sarili ko. Pilit ko pong kinakaya yung pag trato niya sa kin para sa baby namin. Ano po kaya dapat kong gawin? Salamat po sa mga sasagot godbless po

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Try mo momsh na wag masyadong isipin ang mga sinasabi niya, lalo na kasi pregnant ka and number 1 na bawal sa pregnant is ang stress. Hindi mo man maiwasan masaktan, isipin mo nalang yung mga sinasabi niya as a motivation para mas maging responsible mom ka sa future baby mo. Meron naman mga online businesses na pwede mong gawin para may extra income ka like maging reseller. Kaya mo yan momsh, wag mong dibdibin ang mga masasakit na sinasabi niya.

Magbasa pa