Magkano po ba ang dapat kunin sustento?

Hi po may plano po ako makipaghiwalay sa partner ko. Sobrang cold na po namin sa isa't isa nagsasama na lang po kami parang dahil sa baby naming 6 months old. Feeling ko din hindi n niya ako mahal halos di na niya ako sinasabihan ng iloveyou kahit ihug or ikiss wala na po. Syempre po stay at home mom po ako so wala po ako work po nag aalaga lang po ako sa baby namin. Sa tuwing may kailangan po ako bayaran at siya po ang magbababyad sa pera niya lagi niya po sinusumbat sa kin yun. Mabait nman po siya sa baby namin pero sa akon po hindi. Di po niya ako tinuturing na partner, 6 years na po kami pero feeling ko napilitan lng po siya na magsama kmi ng dahil sa nabuntis po ako. May sinasabi pa po siya na khit kelan daw hindi niya ako papakasalan. Ang malas daw ng baby namin dahil ako daw naging nanay. Sobrang sakit po ng mga sinasabi niya sakin. Pagod at puyat na po ako kakaalaga sa baby namin tapos ganon pa po maririnig ko sa kanya. Kaya naiisip ko pong makipaghiwalay na lang at humingi ng sustento. Magkano po ba dapat ang hingin ko depende po ba yun sa sahod niya?

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dipende naman po sa sahod niya sis kung malaki dapat magbigay siya yung talagang kailanhan ng bata lalo na kung formula diaper vitamins at siympre monthly chexk up iba papo dun yung dapat na ibigay niya para sa mga xtra ni baby na damit at mga check uo at pambili n gamot once na nagkasakit si baby pro still hindi po lahat saknya manggagaking dahik pareho po kayong may obligasyon sa bata since di po ata kayi kasal? Ganon po kasi sa kapatid ko .

Magbasa pa

Kapag po sa legal wife at anak 70% po ng sweldo...kung ndi naman po kau kasal 50/50 kau sa gastusin ng bata.pede mo sya kasuhan kpag ndi sya nagsustento pero dapat mag usap kau sa barangay o sa womans desk para ubligado sya magsustento.

Momsh same case tayo.. paupdate kung kamusta naging usapan nyo.. pero kung ayaw mo na ishare okay lang din hehe

VIP Member

Depende po un sa sahod.. Punta po kau sa MSWD nio jan.. Para mapag usapan at at makaparpirmahan po kau

5y ago

Thank you po

depende po sa sahod nia.

15k per month