Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob mga mi. Ayoko magkwento sa mother ko kasi ayoko naman mag-alala sya sakin.
Gustong gusto ko na bumukod kami ng partner ko. Ang hirap kasi kasama ng mama nya sa totoo lang. Pag aalis partner ko, bubungangaan. Pati pag-uwi ganun din. Di pa man lang nya nabababa mga gamit nya, sasalubungin agad sya ng bunganga ng mama nya. Ang ending, mag-aaway sila. May times pa na sumbatan ang ganap kaya ngayon pati kami ng anak namin nadadamay since dito kami nakatira sa kanila. Sa totoo lang, ang laki ng pagsisisi ko na nagka-anak kami nang ganito ang sitwasyon. Di pa kami financially stable. Halos araw araw akong nagsosorry sa baby ko dahil ganitong living ang nadatnan nya paglabas. Ang hirap kumilos kasi parang laging may nakamasid. Kahit gustuhin kong sabayan ng tulog yung anak ko para makapagpahinga man lang nang konti, di ko ginagawa. Naghahanap ako ng pwedeng gawin kahit pakiramdam ko puro hangin na ulo ko ganon. E wala e. Di pwedeng magtamad tamad. Lalo pang mahirap kumilos kasi gusto ng baby ko laging karga. May time pa na bumili mama nya ng tricycle nang biglaan. Hiningian kami agad agad agad ng pera. Ambag daw namin don sa tricycle e hindi naman namin napag-usapan yon. Gulat malala talaga mga mi kasi may pinaglalaanan kami ng pera na yon. Sorry pero ang bigat sa loob nung binigay ko yon. Oo mi, hingi/bigay yon. Hindi utang.
Gabi gabi na lang ako umiiyak dahil sa ganitong sitwasyon. What if di ako nabuntis? What if nagfocus muna ako sa kapatid at mama ko? What if nag-ipon ako para sana napaghandaan ko to. Nagsisisi ako pero masaya rin ako dahil sa baby ko.
Gusto ko nang magwork and currently may JO ako sa bpo kaso lang onsite. Ayaw ng partner ko since 6 months old pa lang baby namin at gusto nya magfocus muna sa kanya. Di ko alam gagawin mga mi. Pilitin ko ba syang tanggapin yon or go namin yung gusto nya na magloan sa home credit at magbusiness na lang. Di rin kasi enough sahod nya lalo na at nagshe-share din kami dito sa bahay.