PPD(?)
Gusto ko lang maglabas ng nararamdaman. Hindi kami live in ng partner ko. Dumadalaw dalaw lang siya samin ni baby. Kagabi dito siya natulog. Ang saya sa feeling na magkakasama kaming tatlo. Kaso kanina umuwi na rin siya agad kasi may pasok siya bukas :( Iyak ako ng iyak hindi ko mapigilan. Pati siga umiyak na. Ayoko siyang pauwiin pero kailangan. Hanggang ngayon umiiyak ako and lalo kong naiiyak kapag tinitignan si baby kasi kamukhang kamukha niya daddy niya. Sobrang hirap mga mamsh. 5 days old pa lang baby namin :(