Hindi ko na kaya 'to. Minsan nasasaktan ko na baby ko dahil kahawig niya masyado.

Hello, gusto ko lang maglabas ng hinanakit. Hindi ko na kasi talaga kayang ikimkim lahat, feel ko mababaliw na ako, ako na nga't nagbuntis, nanganak at nag-aalaga mag-isa lahat, tapos ganito pa. Nalaman kong kabit lang pala ako-pero ha, hindi pa sila kasal, magjowa palang din sila, pero mas matagal na sila kaysa saamin, pero ako yung inanakan niya bwiset. Ngayon, tinatago niya kami ng bata, naghahanap daw siya ng "timing" para sabihin sa pamilya niya at dun sa long term jowa niya. Ang masakit pa dun, pinsan ko pa pala sa malayo yung babae-hindi ko kilala, nalaman ko lang dahil pinsan niya ang pinsan ng pinsan ko. Hindi ko na kaya 'to eh. Minsan kasi nasasaktan ko na baby ko dahil kahawig niya masyado. Pero iniisip ko din, kawawa baby ko, wala namang kasalanan at walang kalaban laban saakin, sinasaktan ko. Kaya naglalaslas nalang ako at umiinom kahit bawal dahil kakapanganak ko palang 4mos ago. Ayaw ko na ng gulo eh, hindi ko alam na kabit lang pala ako. At ayoko rin naman lumaki ng walang tatay yung anak ko, pero kailangan ko protektahan anak ko sa mga sasabihin at ibabato sakanya ng mga tao sa future. Ngayon ang gusto kong gawin ay lumayo at hindi na ulit ipakita sa kanya ang bata at sa pamilya ko, nagbabalak akong lumabas ng bansa nang hindi nagsasabi ng kahit kanino, kasama ang anak ko. Magsisimula nalang kami ulit ng kaming dalawa lang.

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply