Hindi ko na kaya 'to. Minsan nasasaktan ko na baby ko dahil kahawig niya masyado.

Hello, gusto ko lang maglabas ng hinanakit. Hindi ko na kasi talaga kayang ikimkim lahat, feel ko mababaliw na ako, ako na nga't nagbuntis, nanganak at nag-aalaga mag-isa lahat, tapos ganito pa. Nalaman kong kabit lang pala ako-pero ha, hindi pa sila kasal, magjowa palang din sila, pero mas matagal na sila kaysa saamin, pero ako yung inanakan niya bwiset. Ngayon, tinatago niya kami ng bata, naghahanap daw siya ng "timing" para sabihin sa pamilya niya at dun sa long term jowa niya. Ang masakit pa dun, pinsan ko pa pala sa malayo yung babae-hindi ko kilala, nalaman ko lang dahil pinsan niya ang pinsan ng pinsan ko. Hindi ko na kaya 'to eh. Minsan kasi nasasaktan ko na baby ko dahil kahawig niya masyado. Pero iniisip ko din, kawawa baby ko, wala namang kasalanan at walang kalaban laban saakin, sinasaktan ko. Kaya naglalaslas nalang ako at umiinom kahit bawal dahil kakapanganak ko palang 4mos ago. Ayaw ko na ng gulo eh, hindi ko alam na kabit lang pala ako. At ayoko rin naman lumaki ng walang tatay yung anak ko, pero kailangan ko protektahan anak ko sa mga sasabihin at ibabato sakanya ng mga tao sa future. Ngayon ang gusto kong gawin ay lumayo at hindi na ulit ipakita sa kanya ang bata at sa pamilya ko, nagbabalak akong lumabas ng bansa nang hindi nagsasabi ng kahit kanino, kasama ang anak ko. Magsisimula nalang kami ulit ng kaming dalawa lang.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung mahal mo sya try mo lng magtiwala, marahil ay nghahanap lng tlga ng timing para hnd mgkagulo. Hnd ka naman isang kabit mii. Ikaw ang naanakan at wla pa sy asawa. Kaya ikaw ang mas may karapatan dun sa lalaki. Pero kung hnd mo na tlga kaya ang pinakamagandang gawin jan ay ikaw na mgpasabog ng bomba para malaman nila na ngkaanak na ung lalaki sayo at dapat ka nya panagutan. Jan mo din malalaman ang sincerity nung lalaki sayo. Kung hnd mo makitaan ng sincerity ay ituloy mo nlng yang balak mo na umalis kayo.

Magbasa pa
1y ago

*pintuan at tumawag ng pulis. Nirason niya pa saakin na hindi siya basta basta makaalis dun sa vigil dahil andun ang mga Marines (opo, sundalo siya) at yung jowa niya nandun din. Baka raw magtaka. Inunahan niya yung sarili niya kesa sa mismo niyang anak haha. Tapos nung November, hindi siya nakapagpadala ng pera eh alam niyang wala akong trabaho (tumigil ako sa pagtatrabaho dahil wala sinong magbabantay at alaga sa baby ko), nung time na yun hirap na hirap na ako sa pagpapadede sa baby ko dahil wala na nga akong makain, umiinom nalang ako ng tubig most of the time. Kaya yung baby ko hindi na umalis sa birth weight niya, nasa 3.7kg parin siya kahit 3½ months na siya nun. Tapos mi, nakita ko sa Facebook account ng jowa niya, nakapass na ng boards, andaming bouquets, cakes at kung ano ano pang regalo tapos nakasabi sa post niya "Thanks baba". Inuna niya ang jowa niya kesa sa mismong dugo't laman niya. Ang sabi niya nagbayad siya ng utang (dun sa pagkamatay ng tatay niya), pero wala, dun l

Please don't hurt your baby. Tama ka po wala kasalanan ang bata. Pwede mong iwan ang tatay ng anak mo. But please please wag mo saktan ang bata at ang sarili mo dahil wala kang kasalanan at lalong walang kasalanan ang bata.

1y ago

Godbless momsh! Kaya mo yan. Sa una lang yang hirap at sakit. Malalampasan mo rin yan.Keep PRAYING lang. Di ka NIYA 👆 pababayaan.