Time

Gusto ko lang mag vent out. OFW ang mister ko.One year pa lang kami mag bf gf then nagdecide na kame magpakasal. Kakatapos nga lang pala ng kasal namin. I'm 3months pregnant. Nasanay akong yong oras nya sa akin lang. Nasanay akong kapag oras ng break nya ako kausap nya. Nasanay akong pag kakauwi nya kausap nya ako hanggang sa makatulog sya. Sa ganong paraan naiibsan yong lungkot ko. Pakiramdam ko magkalapit lang kami. Recently, natuto syang mag mobile legends. Sumasama ang loob ko kasi ako palaging ang aantay ng message nya. Tapos pag check ko sa ML nya, naglalaro pala sya. So to make it short mas nauuna na nya ang laro kaysa sa akin. Kahit pag uwi nya. Sguro kakausapin nya ako thru chat ng approx one hour. Pero ndi tuloy tuloy yon. Tapos maya maya di na magmemessage meaning naglalaro na sya. Naiintindihan ko na naglalaro sya. Hinhingi ko lang naman sa kanya one hour bago sya matulog ibigay nya sa akin. Yon lang. Araw araw araw sinasabi ko yon sa kanya. Kinakasama ng loob ko binabalewala nya. Kahit may usapan na kaming 4:30 aantayin ko na chat nya dretso laro pa din sya. Kaya ang nangyayari 30 min na lang kame nakakapag usap bago sya matulog. Ang sama ng loob ko. Para bang balewala sa kanya ang pag aantay ko. Ganon ba talaga pag mag asawa na? Di na tlaga masyado pinapahalagahan sinasabi ng asawa? Hinahanap ko lang naman ung maramdaman na importante pa din ako at pinapahalagahan nya pa din sinasabi ko. Sabi niya makitid daw utak ko. 24 years old po ako at sya naman ay 31 years old. Kakaalis nya lng po nong August 1 at kakatapos lang po ng kasal namin nong July 25.

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Si hubby mahilig din sa ML. Pero may time pa din naman siya sakin. Magkasama kasi kami unlike sainyo na LDR. Although lagi ko din siya sinasabihan na bawasan na nya at madalas mas may time pa siya sa cp kaysa magbonding sila ng baby sa tyan ko. Pero binibigyan ko din kasi siya ng space talaga para magawa nya gusto nya. Kasi ganon din siya sakin. He supports me sa hobby ko like sewing and crochet kaya pinagbibigyan ko din siya sa hilig nya sa series at games. Give and take lang. Kasi stress reliever din nya yun.

Magbasa pa
6y ago

Oo nga sis e. Kaya lng ang tagal ko ng nakikiusap. Pinagbbgayn ko sya sa laro nya ako ang ndi nya pinagbbgyan sa gusto ko.