Time

Gusto ko lang mag vent out. OFW ang mister ko.One year pa lang kami mag bf gf then nagdecide na kame magpakasal. Kakatapos nga lang pala ng kasal namin. I'm 3months pregnant. Nasanay akong yong oras nya sa akin lang. Nasanay akong kapag oras ng break nya ako kausap nya. Nasanay akong pag kakauwi nya kausap nya ako hanggang sa makatulog sya. Sa ganong paraan naiibsan yong lungkot ko. Pakiramdam ko magkalapit lang kami. Recently, natuto syang mag mobile legends. Sumasama ang loob ko kasi ako palaging ang aantay ng message nya. Tapos pag check ko sa ML nya, naglalaro pala sya. So to make it short mas nauuna na nya ang laro kaysa sa akin. Kahit pag uwi nya. Sguro kakausapin nya ako thru chat ng approx one hour. Pero ndi tuloy tuloy yon. Tapos maya maya di na magmemessage meaning naglalaro na sya. Naiintindihan ko na naglalaro sya. Hinhingi ko lang naman sa kanya one hour bago sya matulog ibigay nya sa akin. Yon lang. Araw araw araw sinasabi ko yon sa kanya. Kinakasama ng loob ko binabalewala nya. Kahit may usapan na kaming 4:30 aantayin ko na chat nya dretso laro pa din sya. Kaya ang nangyayari 30 min na lang kame nakakapag usap bago sya matulog. Ang sama ng loob ko. Para bang balewala sa kanya ang pag aantay ko. Ganon ba talaga pag mag asawa na? Di na tlaga masyado pinapahalagahan sinasabi ng asawa? Hinahanap ko lang naman ung maramdaman na importante pa din ako at pinapahalagahan nya pa din sinasabi ko. Sabi niya makitid daw utak ko. 24 years old po ako at sya naman ay 31 years old. Kakaalis nya lng po nong August 1 at kakatapos lang po ng kasal namin nong July 25.

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi makitid utak mo mamsh. Hindi lang nya alam kung ano dapat iprioritize. I'm 24 and my husband is 32. Dati syang ofw. Yan din away namin dati. Pero sobrang wala sya pakialam kung wala sya tulog basta makausap lang ako nung buntis ako. Kasi alam nya hirap na buntis ka tapos walang asawa na karamay sa lahat ng oras. Everyday sya nagsosorry kasi wala sya sa tabi ko para alagaan ako.

Magbasa pa
6y ago

Mabuti ka pa. Yong asawa ko kasi pasok nya 1am-1pm Manila time. So magmemessage sya ng 1am ssbhn nya nakapasok na sya. Tapos nxt na message na nya ulit sa break nya PAGKATAPOS nya maglaro saka nya ko kakausapin. Sunod na usap na namin madalas paguwi nya ng bahay which is 1pm. Sguro 45min to 1 hour na usap. So pgdting ng 2pm-5pm laro sya. Wlang patid. Pagdting ng 5pm saka yan magmemessage. Tapos 5:30 matutulog na sya. Masyado ba akong demandind mamsh. Masyado ko ba syang nasasakal sa gusto ko. Mabigat ba ung hinihingi ko?