31 Replies
Mommy mahirap ang buhay sa abroad. Kaya dapat mag adjust ka din. Hindi naman sa lahat ng oras ay mangyayari yung inexpect mo na daily routine nyo. Gumawa ka din ng sarili mong pagka abalahan. Buti nga hindi babae yung pinagka busyhan ng asawa mo at ML lang ang naging libangan nya. Kahit papano bigyan mo din sya ng me time nya.
Same tayo mamsh pero di naman ofw husband ko. Sa manila lang sya tapos ako dito sa batangas. Tapos adik din sya maglaro. Ang akin lang naman sana bigyan nya pa din ako ng time kasi pag may anak na kami lalo na kami mauubusan ng time sa isat isa. Tsaka buntis kasi tayo mamsh mas need natin sila ngayon diba.
Agree mamsh. Ewan ko ba. Hehe. Eh sya saudi mas malayo. Kinakatwiran nya nagmemessage naman daw sya sa akin. Yon lagi pinapambara nya sa akin.
Hubby ko yan din libangan. Pero pinapa alalahanan ko na lang na wag masyado sa laro para naman may time pa siya samin ng baby ko kaya ayun nag seset naman kmi ng oras para sa mobile phone para d maapektuhan ung pag sasama namin kasi nakakainis minsan kapag sobra na sa laro e.
Dati inis na inis din ako kay hubby kapag ML siya ng ML, hanggang triny ko din maglaro, ayun mas naging adik na ako kesa sakanya 😂 Ldr din kami, minsan nagiging bonding na din namin paglalaro together. Siguro wag ka na mastress masyado mommy makakasama pa kay baby yan 😊
Salamat po sa sayo. Naiinis ako ksi di ako sanay ng ganito. 😞
Hayaan mo n lng sya. Wag k n mastress at mkkasama po yan sa baby nio. Napagsabhan nio n po sya e bhala n sya kung ayaw nia makinig. Gnyan po tlga pg mg asawa na ngbabago po tlga. Kesa mastress k sa, knya itry nio po na wag sya ichat pra kau nman ang suyuin nia hehe
Sabi ko sa kanya kanina, kung ndi mo maiintindihan pinang gagalingan ko umagwat ka na lang sa akin. Ang sagot nya, masyado ka ng malaki para intindihin at unawain ng unawain.
Maglaro kau magkasama kasi may chat din sa ML. May voice chat pa pwede kau mag-usap kahit naglalaro. Para bagang crossing the bridge na naghihiwalay sa inyong communication. Yun lang wag ka maging cancer sa game maaasar yun.. Gamer couples here po😊😊
Ah. Ndi ako mahilig sa games.
Humanap ka din kasi ng pagkakaabalahan mo. Wag kang selfish. Baka ML lang din ang way nya para makapagrelax tapos papakialaman mo pa. Buti nga hindi nambababae eh. Pag nambabae naman eh di mas galit ka? Maghanap ka din ng pagkakaabalahan mo.
Salamat po sa mga payo nyo kahit papaano natulungan na gumaan ang loob ko. Na baka ako ang mali na wag ko na lang ipagpilitan ang gusto ko.
Manood kna lng ng mga kdrama sis pra malibang ka, hayaan u na lang siya muna kc bgo plang syang player kaya sabik pa talaga, magsasawa din sya... c baby n lng u at sarili mo icipin u...iwas stress pra healthy c baby :)
e reversed psychology mo sis, what if di ka nalang mag message sa kanya..wait mo nalang kung ano gagawin nya if di ka nag contact atleast mapapa isip din sya if ano na ginagawa mo..magpa miss ka naman ng kunti sis.
Good advice po. Hehehe. Salamat. Will try po. Kanina kase nainis na sya tlaga. Binura nya yong messenger nya kesa i block ako.
Ganyan din hubby ko dati, buti natigil sa pag ML, sa COC naman sya ngayun 😆😆 pero okay lang kc may time pa rin naman sya sakin, and napapagod din kc sya sa trabaho nya kya ganon. ☺️
Sana all. 😥
Anonymous