17weeks and 4 days

Gusto ko lang ishare yung asawa ko nagrereklamo maya’t maya daw ako gutom. Dahan dahan daw sa pagkain at baka lumaki ang bata mahihirapan daw ako manganak. Kaya ginagawa nya pag nagyayaya ako kumain sasabihin nya “mamaya” hanggang sa malipasan na po ako ng gutom, inuuna nya po yung paglalaro nya ng ragnarok, kailangan daw nya yun kasi kumikita sya doon. Pwede naman ako kumain maya’t maya pero small frequent meals ewan ko bat di yon naiisip ng asawa ko😢

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

same momsh 🤦‍♀️ nagrereklamo partner ko kasi maya't maya nagugutom ako. baka raw ma CS ako. eh ano magagawa ko nakakaramdam ako ng gutom ee 🙄 kaya ginagawa ko uupo sa gilid kakain ng crackers ng nagtatampo pag napapansin ni partner no choice sya bibigyan ako ng gusto kong pagkain 😅