17weeks and 4 days

Gusto ko lang ishare yung asawa ko nagrereklamo maya’t maya daw ako gutom. Dahan dahan daw sa pagkain at baka lumaki ang bata mahihirapan daw ako manganak. Kaya ginagawa nya pag nagyayaya ako kumain sasabihin nya “mamaya” hanggang sa malipasan na po ako ng gutom, inuuna nya po yung paglalaro nya ng ragnarok, kailangan daw nya yun kasi kumikita sya doon. Pwede naman ako kumain maya’t maya pero small frequent meals ewan ko bat di yon naiisip ng asawa ko😢

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

wag po kayo papabaya sa kain nyo baka mahilo pa kayo. mas advice nga po ng OB yung kain maya maya pero unti unti lang. Ganyan po ako ng 1st trimester as in di ko matiis na di kumain kasi sumasakit sikmura ko. Pero di naman sumobra timbang ko. Umiwas na lang po kayo sa mga foods na nakakapag palaki ng baby, ung dilaw daw po na mangga na nakakalaki ng baby. Ako po mas gusto ko kinakaen nung 1st-2nd trimester Lettuce, apple at saging na lakatan.

Magbasa pa
4y ago

Omy buti nalang wala me gana sa rice kahit nung 1st tri ko thanks po sa info