bumukod

Hi. Gusto ko lang humingi nan advice lalo na dun sa mga nakaexperience na. Kaya na kaya bumukod kung si mister ay nasweldo ng 18k a month. Tas may kasamang isang baby at kasama den ako. Magrerent sana kame ng room. Kaya na kaya?

40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Haist how i wish makabukod din kami ng as in medyo malayo sa kanila. Kaso wala eh may lupang nakalaan para kay hubby na paparenobeytan lang... Ang akin lang eh nakakasawa ang wantusawang bilin. Hindi ko naman kinakasama ung kami na nga itong binibilinan kumbaga concern sila. Pero kasi iba feeling eh, ang gusto ko lang magmature kami in our own. Magkafinancial problem man eh matutunan din naman magbudget pa. Kumbaga matutoto kami sa sarili naming paraan. Hindi ung kunting problema, lahat sila pinoproblema nila problema namin. Kagaya ngayon medyo nashort sa budget, ay na apo mapa mil at sil daming tanung kung bat ganito ganyan. Tapos magbibilin ng dapat ganito ganyan... Hanggang paulit ulit na ganito ganyan. Naka unlimited.

Magbasa pa
5y ago

Same, ung kwrto ng asawa ko gusto ipaextend nalang. Lagi den kami binibilinan, kada kakaen sinasabhan pa kami, nandun na yung concern kaso feeling ko pra kaming bata. Gusto ko den bumukod kaso sayang nga naman ung rent, maganda den kasi makapagdecide kami on our own.

Buti pa kayo last 8 yrs ago yan ang pinangarap ko sa xhubby ko kahit simple bahay or maliit na kwarto basta mabukod nya kmi nag hindi kmi nakasandal lagi sa family ko kc pag alam nya na maraming tumutulong sakin lagi nya pinababayaan anak nya mas importante pa sa knya ung barkada nya dati... Dumating sa point na napagod nko naghiwalay na kmi last feb. At nafefeel ko parin na hindi priority ung anak nya sa knya kung mag support sya sa mga anak nya 1500 every week 2 anak nya...

Magbasa pa
5y ago

Ang sakit isipin na parang namamalimos pa ung sariling anak nya sa knya...

VIP Member

Actually pwede nmn kung maliit lang rerentahan nyo(price) at wala kayong ref at AC. Tpos medyo malaking pagtitipid tlga ang gagawin nyo.. ksi may baby na din kayo. Then paglaki ng baby nyo ppasok sa school yan. Pag isipan mo mabuti momshy, need to prepare pa pang bayad sa ospital

maganda talaga pag bumukod para mas lalo maging responsible sa isat isa. ok na 18 k. sabayan mo rin ng konting negosyo pag malaki laki na si baby. e priority ang kailangan like pagkain, bayarin. magtabi ng konting pera for emergency. kaya nyo yan isa pa lang c baby

VIP Member

Kaya naman sis pero need mo ng budget plan talaga, pero kung gusto mo sigurado need mo pq ng 1 pang source ng income, kasi sa bahay, tubig, kuryente pa lang makamagkano ka na. Ang magastos pa ay si baby syempre priority natin sila palagi.

For me mamsh, hindi kaya ehh. Isipin mong mabuti na hindi lang bahay ang binabayaran niyo kundi pagkain niyo sa araw2x na din at para kay baby. Kulang pa rin yan mamsh. Base sa experience ko. Okay siguro kung ikaw din may trabaho

5y ago

Pero kung ikaw ay hindi maluho. At marunong mag budget. Makakagawa pa rin ng paraan

Kaya sis basta marunong kang nag budget ng pera ni mister. Isipin mung maiigi ung mga bbilhin mo. Mas ok kasi minsan na nkabukod tau para magawa din nten ung mga bagay na gusto nteng gawin.

Kaya yan mommy. Tama ang bumukod. May mga apartment or room Na mura lalo na sa certain locations like Commonwealth, Novaliches, etc. Tsaka always remember, God will provide 🙏

Kaht Mahirap kakayanin bastat gusto mg bukod. Kami nga 3 anak Nag Rerent din kami room Ilaw tubig pa. 2400 lang kita ng asawa ko lingo lingo hays pagkain pa

Kya nio po yan, budget wise lng..kmi nga bmukod wla png work c hubby at ako for now,,hopefully mkya nmn, my 2mos old baby p kmi ah peo lkasan ng loob hehe..