Kasal

Gulong-gulo ang isip ko. Malapit na kaming ikasal ng LIP ko kaso nagdadalawang isip na ako na pakasalan siya. Hindi dahil sa hindi ko na siya mahal kundi pagod na rin ang damdamin ko. Mag-5 years na kami ng hubby ko. 4 years bilang mag-bf at gf at 1 year bilang mag-LIP. Pagkauwi niya galing abroad ay ikakasal na kami kaso nagdadalawang isip na ako kasi naaalala ko ang mga bawat sandali na niloko niya ako. Mga araw na paulit ulit niyang sinaktan ang damdamin ko. Gusto ko muna sana makapag-isip isip kung tama ba ang magiging desisyon ko. Gusto ko muna sana ipagpaliban ang kasal namin kasi naiisip ko na napakahirap naman yata matali ka sa taong paulit-ulit kang sinasaktan. Kaso hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanya na huwag muna namin ituloy ang kasal. Mahal ko siya. At wala naman akong ibang minahal kundi siya lamang. At wala akong ibang lalaki na pinakilala sa pamilya ko kundi siya lamang. Nung una, nakikita ko ang sarili ko na bumubuo ng pamilya kasama siya pero simula ng malaman ko lahat ng panloloko niya sa akin ay nabago na lahat. Nag-aalangan na ako sa lahat ng bagay. Nangako naman siya sa akin na hindi na siya uulit. Kaso ilang beses na rin siya nangako sa akin. Ilang beses na ring napako ang mga pangako niya. Sabi niya mahal niya ako. Sobrang mahal daw. Pero bakit ginagawa niya ang mga bagay na alam niya na nakakasakit sa akin? Naguguluhan ako. Naguguluhan ako.

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

If you are feeling that way, be honest about it and tell it to your partner. Marriage is a lifetime commitment at di ka basta2 makakalabas even if you want to. Magiging unfair din kung magpapakasal kayo pero you are having doubts. At alam mo na sa sarili mo na mahihirapan kang magtiwala. Isa sa pundasyon ng successful na pagsasama ay tiwala, pag umpisa pa lang wala na yun how can you build a family with the guy. Pagisipang mabuti bago gumawa ng isang desisyon na babago sa buhay ninyong dalawa. Decide and be firm about it.

Magbasa pa

Wag muna. Sabi nga nila once a cheater always a cheater. Habang buhay na sakit ang mararamdaman mo kapag nagpakasakal kayo at ganyan ang ginagawa nya. Imbes na nagsstart ka na ng panibago. Wag ka manghinayang sa 5 years. Panghinayangan mo ang mga posibilidad sa buhay mo. Posibilidad na magkaron ng totoo at masayang pamilya. Mahalin at magmahal ng tamang tao. Masakit sa una ang gagawin mong pakikipaghiwalay o pag postpone ng kasal nyo pero ito ang makakabuti para sayo, sa inyo.

Magbasa pa

Huwag ka muna mgpakasal sis.. Nsa huli ang pagsisisi.. Ang hirap n din kumawala.. Pagisipan mo muna ng maaus.. D nmn sa pgging selfish yan pero isipin mo muna ung sarili mo kung kya mo.. Ako kc isa yan sa pinagsisihan ko sa buhay ko.. Ok nmn lhat ksal n kmi naun na nbuntis ako grabe na pagbabago nya.. Wla kming 3rd party pero mgulo na relationship nmin.. D na rin madala sa usapan..kya pagisipan mo ng mabuti yan

Magbasa pa
VIP Member

Sabihin mo sakanya yung totoo sis. Baka mamaya pag kasal na kayo dun pa kayo maghiwalay, mahal ang annulment at mahirap yon. Kesa matali ka, oo mahal mo nga pero sasaya ka ba?

VIP Member

kung nagdadalawang isip ka momsh, wag mo ituloy. magpakasal ka lang once na buo na ang isip at puso mo

VIP Member

Wag ka pakasal kung nagddlawang isip ka.

VIP Member

Wag muna ikasal para walang regrets

Try to confront po momsh , mas mahirap kapag nakasal na kau di basta basta ang kasal , mahirap magpa anul.

Maging honest ka po sa kanya. Di naman basta basta ang kasal lalo dito saten pag natali kana. Mas mabuti po maging open ka sa kanya. Ipaliwanag mo lang po ng maayos. Dapat maintindihan nya yon kase may kasalanan sya na ginawa e kahit pa past na. Mahirap talaga buuin ang nasira na tiwala

Kailangan niyo po cguro mhanap ang sagot sa tanong na, ano ang pwedeng gawin ni hubby mo ns mkkogpanatag ng isip at damdamin mo na mgpakasal sa knya.