Kasal
Gulong-gulo ang isip ko. Malapit na kaming ikasal ng LIP ko kaso nagdadalawang isip na ako na pakasalan siya. Hindi dahil sa hindi ko na siya mahal kundi pagod na rin ang damdamin ko. Mag-5 years na kami ng hubby ko. 4 years bilang mag-bf at gf at 1 year bilang mag-LIP. Pagkauwi niya galing abroad ay ikakasal na kami kaso nagdadalawang isip na ako kasi naaalala ko ang mga bawat sandali na niloko niya ako. Mga araw na paulit ulit niyang sinaktan ang damdamin ko. Gusto ko muna sana makapag-isip isip kung tama ba ang magiging desisyon ko. Gusto ko muna sana ipagpaliban ang kasal namin kasi naiisip ko na napakahirap naman yata matali ka sa taong paulit-ulit kang sinasaktan. Kaso hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanya na huwag muna namin ituloy ang kasal. Mahal ko siya. At wala naman akong ibang minahal kundi siya lamang. At wala akong ibang lalaki na pinakilala sa pamilya ko kundi siya lamang. Nung una, nakikita ko ang sarili ko na bumubuo ng pamilya kasama siya pero simula ng malaman ko lahat ng panloloko niya sa akin ay nabago na lahat. Nag-aalangan na ako sa lahat ng bagay. Nangako naman siya sa akin na hindi na siya uulit. Kaso ilang beses na rin siya nangako sa akin. Ilang beses na ring napako ang mga pangako niya. Sabi niya mahal niya ako. Sobrang mahal daw. Pero bakit ginagawa niya ang mga bagay na alam niya na nakakasakit sa akin? Naguguluhan ako. Naguguluhan ako.
Mom | Librarian | L&D Trainer