Depressed At 29 Weeks ftm

Graduate ako, may stable job pero nag resign because maselan ako magbuntis, Kakakasal ko lang last month civil, 25 years old and 10years kami ni boyfie bago ako nabuntis. Akala ko before magiging masaya ako kasi nga magsasama na kami, parang wala akong ibng pangarap kundi maging asawa nya sa sobrang pagmamahal ko sa knya. Ok na ok kami, ako lang sguro tong hindi. I feel losyang na losyang nako and maraming nagsasabi. Before ako mabuntis lagi akong blooming, mabili ako ng mga pampaganda sa sarilo ko, lagi bago damit ko. Lagi akong nasa mall. Then nung nag resign ako, walang wala ako. Wala akong naipon, simula nung kinasal kami barya nalang laman ng wallet ko, di ako humihingi ng pera sa asawa ko. Lahat ng bills at food namin sya lahat gumagastos as in bahay lang ako, nalosyang na sa bahay, ? Kelamgan ko pa humingi sa knya, Feeling ko wala akong pangarap sa buhay, ang tanga tanga ko lang. Sana Nagipon ako, sana nagtrabaho ako mabuti, sana di ako nagmadali. Feeling ko tuloy ngayun sobrang down ako at wala akong pakinabang ?

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi sis. Same tayo ng situation although di naman ako nag resign. Maselan din ako magbuntis kaya bed rest ako for almost 2months. Normal lang sis na wala kang ayos kasi nasa bahay ka lang naman nga. Yung husband ko sya ang nag wowork lang ngayon pero may naitutulong padin naman ako through claiming sss benefits ko. Lilipas din yan sis pag okay kana mag lakad-lakad at byahe. For now, isipin mo si baby and also your health. I've been in the same situation na na-dedepressed na kasi wala akong magawa kasi lagi lang nasa bahay. You'll get over it and lahat ng sacrifices mo ngayon, pag nakita mong healthy si baby, sobrang sarap sa pakiramdam.

Magbasa pa