Depressed At 29 Weeks ftm

Graduate ako, may stable job pero nag resign because maselan ako magbuntis, Kakakasal ko lang last month civil, 25 years old and 10years kami ni boyfie bago ako nabuntis. Akala ko before magiging masaya ako kasi nga magsasama na kami, parang wala akong ibng pangarap kundi maging asawa nya sa sobrang pagmamahal ko sa knya. Ok na ok kami, ako lang sguro tong hindi. I feel losyang na losyang nako and maraming nagsasabi. Before ako mabuntis lagi akong blooming, mabili ako ng mga pampaganda sa sarilo ko, lagi bago damit ko. Lagi akong nasa mall. Then nung nag resign ako, walang wala ako. Wala akong naipon, simula nung kinasal kami barya nalang laman ng wallet ko, di ako humihingi ng pera sa asawa ko. Lahat ng bills at food namin sya lahat gumagastos as in bahay lang ako, nalosyang na sa bahay, ? Kelamgan ko pa humingi sa knya, Feeling ko wala akong pangarap sa buhay, ang tanga tanga ko lang. Sana Nagipon ako, sana nagtrabaho ako mabuti, sana di ako nagmadali. Feeling ko tuloy ngayun sobrang down ako at wala akong pakinabang ?

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same, mamshie. Ako matanda na, 40 na. Wala na ko balak mag anak nga. Ako kasi yun tipong gusto ko na lang maging hippie auntie ng mga pamangkin ko. Gusto ko lang uminom ng whiskey sa backyard at magbasa ng libro. Carefree lang lagi, at gusto ko na lang magback packing. Wala ako ipon kasi ang tagal ko walang stable job. Pabusiness business at freelance graphic design jobs, maliit lang kita. Basta gusto ko lagi lang akong maganda at malaya. Eh i met the love of my life last year. tapos i was away for 3 months kasi nagbakasyon ako sa US sa parents ko. Lalong walang pera. Ayan when i got home, gusto ko mag work kasi naguusap na kami mag settle down. Ayaw nya ko mag apply, tuloy ko lang daw business. Eh i got pregnant. Wala akong kapera pera kasi di ako makakilos. May incompetent cervix kasi ako kata bawal ako magtatayo. Tapos i started gaining weight kasi carbs ang gusto ko kainin. Eh prior to getting preggy, 3 years na ko low carb/keto. Ang panget and loshang ko todo. 13 weeks pa lang ako, i sometimes feel worthless. Pero i cling on to my hubby who reassures me lagi na kaya namin to kahit sya lang may work now. And lagi nya sinasabi na papayat naman ako ulit when i give birth. Get strength and reinforce your self esteem with your partner's help. Ang tagal nyo na, di ka papabayaan nyan. Makakabalik ka sa dati. Alagaan mo muna sarili mo at si baby now. Konting tiis na lang.

Magbasa pa