High Sugar Level

Grabe taas ng sugar level ko pero ngayon lang dala ng pagbubuntis ko , monitoring ako now everyday nag guglucometer ako pero mataas parin kahit di na ako masyado kumakain.. tanong ko lang malaki ba epekto nito kay baby? Like ano po? And ok lang ba mag insulin, hindi ba nakakadala ng birth defect yan kay baby? Thank you mommies sa sasagot! Super ako nag aalala para kay baby. I'm 26 weeks preggy po.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy. I was also monitoring my blood sugar when I was pregnant. Borderline naman ako pero namanage through proper diet. Nirefer ako sa nutritionist who gave me a meal plan. Need mamanage ang blood sugar while pregnant. For those na meron na before 16 weeks of pregnancy ang sabi may risk ng birth defect sa baby. Pero meron naman na walang defects. Kaso prone ang baby na maging malaki paglabas. Nkakatakot din kasi sanay sha sa sobrang taas na sugar while still in the womb so it can cause very low blood sugar paglabas nya.

Magbasa pa
5y ago

Thank you mommy! Normal naman po fbs ko nong 3 months ako, ngayon lang sya tumaas ng sobra 6 months sa OGTT ko. Last check up ko gusto sana ni doc tingnan ang face ni baby kasi mataas daw sugar ko kaya natakot ako sa birth defect eh kaso ayaw magpakita ni baby laging nakatalikod. Don lng po talaga ako natakot kasi sabi ni doc gusto nya icheck face ni baby. Possible po ba na wala ng effect yun kay baby kasi 6months na mana ako?

Ang pinaka effect nya is lalaki si baby or tinatawag natin na macrosomic baby. Sila ung mga baby na in time may have diabetes. And in instances pag pinabayaan mo po na bumagsak ung glucose mo bigla , yun ang bad effect kay baby. So wag mo po pigilan kumaen, just eat in small meals and healthy meals. Insulin po is safe.

Magbasa pa
5y ago

Thank you mommy! Lalaki po si baby ko . Sa birth defect lang po ako natatakot talaga, possible po ba yun kahit 6 months preggy na ako?