60 Replies
Sa totoo lang yung word na common sense eh valid naman sis. Lalo na kung nagtatanong kung positive ba or hindi. Una sa lahat, kung nakipag talik ka eh mag expect ka nalang na pwede kang mabuntis. Tsaka isa pa, bat ka nakikipag sex kung PT palang hindi mo alam unawain? May youtube naman jan, may google rin. Jusko meron ngang center eh. Minsan talaga nakakabobo mga tanong haha educate yourself sis hindi yung iaasa mo lang yung mga sintomas mo dito sa app, kasi iba iba tayo mag buntis. Yung iba feeling lang nila buntis sila kasi delayed daw. Nagtatanong kung pwede daw ba mabuntis kasi ganito ganyan, mag PT ka nalang para sure kasi hindi naman kami manghuhula. Ako nga nalaman nung nalabasan ako ng brown disharge sinearch ko agad sa youtube, sabi mag PT daw after mawala yung discharge kaya nag PT ako at nag positive, punta agad ako center, kinabukasan sa OB na. May buhay kang dinadala kaya pa check up ka agad. No hate ha pero imbis magbasa kami ng update sa mas importanteng mga tanong, eh nasasapawan ng mga tanong like POSTIVE BA TO? lol ilan ba gusto mong linya?
I am a soon-to-be mom pero, hindi ko minsan mabili yung reason na 1st time kaya walang alam. Yes, totoong may mga post dito na ginagamitan ng common sense na lang bago itanong. However, this app was developed to help each and everyone. wala naman tayo magagawa kung ano gusto ipost ng mga mommies dito whether helpful, irrelevant/non-sense na etc. Ang point lang siguro ay matuto irespeto at tulungan ang bawat isa. Di kailangan mag away-away over post natingin ay waste of time. Huwag pansinin kung nakakairita ang ibang post. Scroll down lang lagi 😁 Tip lang since lahat naman siguro naka pag pa OB na or once malaman positive e pupunta ng ob. Write down all your questions; what things to avoid, kulay ng discharge & smell, what food to eat and not, size ng tummy per month, beauty products to use, pwede ba magkipag make love, lab test na gagawin etc. Tapos itanong ninyo sa ob ninyo kasi sila ang tamang tao na sumagot niya para sa inyo at sa baby. Iba iba ng experience ang mga mommies dito iba maselan magbuntis, iba naman hindi.
Real talk lang po. Hindi naman kasi masamang magtanong. Kaya lang minsan hindi mo din maiiwasan yung ibang mommy na naiirita na sa ibang questions lalo na kung super dali lang naman ng tanong. Before you ask anything, try nyo muna nag research. Magbasa. Kaya nga meron dito sa app na to yung ng articles na pwedeng basahin especially yung mga first time mom,it doesnt mean na kapag first time ka, wala ka na talagang alam. Kung dinudugo at may nararamdaman ka na palang kakaiba sa katawan mo, instead of posting magpacheck up ka po. Huwag mo ng antayin pa na may sumagot pa sa post mo, hindi naman kasi pare parehas ang pagbubuntis ng mga babae, pwede kasi sayo normal pla yun, pero sa akin hindi. At the end of the day, katawan mo pa din naman yun. Yung nga simpleng question lang naman po na alam mo na kaya mo ng sagutin sa sarili mo, huwag na po itanong or kung redundant na yung question, mag scroll up and scroll down baka andun na yung ibang tanong and answers. Babasahin na lang, Sorry kung may matamaan sa mga sinabi ko, pero REAL TALK LANG PO.
Hahaha,dalawang guhit na magtatanong pa kung buntis,well,cguro naman nkipagsex tayo kahit papano me'idea po tau about pregnancy test🤣
Meron po kasing mga bagay bagay na d na kelangan kasi tinatanong, napakaobvious ng sagot, mga tanong na d mn lang pinag isipan mabuti kung dapat ba itanong. O kaya naman po yung mga tipong emergency situations na sana pero nakakapost pa dto sa halip na dumiretso sa ospital o sa center. Mga mommies soon to be or mommies na po tayo dto, hindi lahat ng oras iaasa natin dto sa app ang decisions dapat isasaalang alang din na buhay ng baby natin ang nakasalalay. Minsan naman po regarding mga preg test ang dami dto tatanong positive ba or what, e klaro naman na dalawang linya. Tapos delayed ng ilang buwan na, may symptoms na dn dw ng pregnancy ay papaano pa nga ba gagawin dun, dto nagpapaconfirm if pregnant ba, manong magpunta ng doktor para maadvise to do an utz para makita if may bb ba talaga. Mga ngbebleeding halfway thru their pregnancy tas itatanong normal ba, nakakabahala lang e pano ba ang judgement nila lalo na sa mga complicated situations. Just sayin.
First time mom ako pero bago ko pa nalaman tong app nato nagbabasa basa na ko sa google and nagreresearch din ako ng mga bagay na di ko naitatanong kay OB every check up ko Madami din available apps for pregnancy and videos sa youtube. Since first time mom tayo dapat mageffort naman tayo na alamin ang sagot at di umasa lang sa app na to, lalo na at di naman mga professionals mga tao dito. Iba iba ang sagot kasi nakabased sila sa experience nila. Napansin ko kasi sa mga FTM dito, ginagawa na lang excuse na FTM sila para magtanong lang ng magtanong kahit wala ng sense. Dinudugo na, magtatanong pa if normal ba yun or kung normal ba na nasusuka at nahihilo. Madami pa dito nagtatampo kapag walang sumasagot sa tanong nila,eh paulit ulit na din kasi ang tanong. Pwede naman isearch na lang.
Korekchi 😝 ako first time mom din pero nagsesearch ako ng akin.. nkakahawa ng kabobohan ung ibang tanong dito, as in COMMON SENSE lng ggmitin pero d p mgamit., pinka nkktawa ung d nmn daw xa maselan magbuntis eh bkit dw xa niresetahan ng ob ng duphaston, mlamang d un nakikinig habang nagpapaliwanag ang doctor, kakagigil
For me, I'm not saying na tama yung sinabi niya na "BOBO", "WALANG COMMON SENSE". Hindi rin dapat i-tolerate yung ganung pananalita. But I guess, it will serve as a lesson na magiging mommies na tayo. We need to be responsible sa lahat ng bagay. Wag iasa sa app ang lahat. Better to discover things on your own. Magbasa basa. Pero ang pinaka the best ay mag seek ng advice sa professionals like OB/Pedia. Kasi hndi lahat ng nag cocomment dito eh tama ang sinasabi. And again, magkakaiba tayo ng experience. Ang problem kasi sa mga mommies dto gustong makatipid. Naghahanap ng remedy para hndi na sila gumastos. I understand na hndi lahat capable magbayad ng ob, pero buhay kasi pinag uusapan. Safety ng mommy and baby. Kaya sana gawan ng paraan.
Agree! 👍👍👍
To all “anonymous” out there.. kung alam nyong nakakabobo yung tanong ng iba.. wag na lang pong pansinin di naman ata required dito na lahat ng tanong dapat mong sagutin? Hindi yung pagsasabihan pa ng masakit na salita, mga mommies tayo dito. Alam nyo yung stress and boredom na nararamdaman ng ibang mommies dito. Kaya minsan mga nonesense tinatanong nila pampalibang lang.. kung ayaw nyo ng tanong nila skip nyo na lang. Kasi may mga tao padin dito na may malawak na pang unawa at pasensya na pinapatulan yung mga nonsense na tanong just for fun. Be sensitive naman tayo. Ang goal natin dito is to enlighten the first time moms, alisin ang boredom ng mga stay at home mom.. hindi mo kelangan maging “magaling” dito.. maging concern pede pa. Thank you! From another anonymous.
Hindi purket bored ka magtatanong ka ng mga stupid and non sense na questions. Instead magtanong ka ng mga non sense questions, magbasa ka ng may sense, about pregnancy especially for the first time moms. Gawin nyong kabuluhan yung oras nyo. Minsan kasi makapag tanong lang para makakuha ng points.
Ung iba kc naman talaga hahaha magtatanong kung positive ba o negative bakit mga tao ba dto doctor mga OB ba hahaha kung ganun kc na nag PT na at dalawa ang guhit check up na nakooo hmmms tsaka nasa likod naman ng PT ung instructions ,haha instead na magtanong sila dto bat d nalang nila basahin yun kung marunong sila tsaka basic pag my partner ka naman at my nangyayare sa inyo tapos d ka na nadatnan tapos nag positive PT mo buntis kana hmmm punta kana ng OB magpa transV ka!!! Kagigil din kc minsan ung mga tao dto! Ooopsss🤭🤭 nag PT din ako pero d ako nagtanong dto kung positive ba o negative kc nung nagpositive nag pa check up na ako... Haha ung iba kc pasikat pa🤣
Meron naman din kaseng mga tanong na nakaka-bobong basahin. Like may tanong na "masama daw ba talagang uminom ng gatas ang buntis". Kahit first time mom ka hindi ka naman siguro ganyan ka walang alam. Kelan pa naging masama ang gatas?? Or yung tanong na dinugo sya kagabi pero next week pa check up nya kaya nagtatanong sya ano gagawin kase nga hindi pa nya sked magpacheck up. Like wtf!! Hindi lahat ispoonfeed sayo! Kelangan talaga ng common sense minsan..
Kaya nga siya naka anonymous para hindi ma-bash hahaha... Hayaan mo na lang siya... Huwag mo istressin sarili mo sa kanya... Mas wala siyang common sense sa ginawa niya... First time mommy din ako... Panay tanong din ako at panay sabi din ako sa nanay ko... Pinakita ko nga din yung panty ko sa nanay ko nung makakita ako ng dugo eh... Epal lang yun... Walang matinong masabi... Para saan pa yung app na ito... Yun nga ang sense ng app na ito eh... Sabi nga nila "matalino ang nagtatanong" ...
Chey Manlulu