Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭

Grabe anak ko, ang sakit! pinaranas mo sakin maging ina kahit nasa loob pa kita ng tiyan ko, sipa dito sipa doon, bukol dito bukol don paramdam ka ng paramdam sakin sa tiyan ko, Bakit ganun? kung kailan lumabas kana at nayayakap kana sana namin don ka namin di maramdaman tulog ka lang 😭 ang sakit sobra! Yung hirap ko habang naglalabor habang iniire kita at tinatahi ako akala ko yun na ang pinakamasakit na mangyayare sakin 😭 mas masakit sobra ang nawala ka agad samin Anak' Nakakatuwa pa naman kamukha mo papa mo, ang puti at kinis mo ang lusog lusog mo.. Pero ang hina ng puso mo at di mo kinaya πŸ˜₯ sana anak tulungan mo kami ng papa mo kayanin lahat to.. Babalik ka samin ha, hindi to magiging rason para panghinaan kami ng loob.. Ipagmamalaki kita anak, napakapogi at mabait kong anak.. Hindi mo pinakita samin na nahirapan ka ang aliwalas ng mukha mo para ka lang tulog.. Mahal na mahal ka namin DENVER ZION GREY.. 😭 pasensya na po sa mga nagmemessage sakin hindi ko po kayo kayang replyan pero sana sa post ko na to nasagot ko ang tanong nyo.. Salamat po sa pakikiramay..

Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭
1033 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Condolence po Mommy! πŸ˜” Nakakalungkot po ang nangyare pero kaya mo yan! Kaya nyo yan ng hubby mo 😘 Pray lang lge & wag mawalan ng pag asa. ❀️

condolence sis. kaya mo yan. keep praying. stay strong. ibibigay sayo ni God pag dating ng tamang time. for now, palakas ka. kaya mo yan sis!

VIP Member

Condolence po sobrang sakit po nyan mommy makakayanan nyo po lahat may plano ang Diyos. Lagi po tayo magtitiwala sa kanya kaya nyo po yan 😭❀

Condolence mamsh. Dadating ang araw at ibabalik uli sainyo ni God si baby! πŸ˜‡ magpakatatag ka po, kayo po ng asawa mo β™₯️ Godbless po.

Naiyak ako 😭 Nakikiramay ako momsh .. Emotional ako sa post mo kac kabago ko lang din nanganak. Stay strong mommy πŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺ

Condolence mommy and to the whole family. Rest in peace baby Grey, you're in God's side by now.❀ Balik ka kay mommy mo ha.

πŸ˜₯πŸ™β£ sending prayers to you and to the whole family. May you be all be stronger and more faithful to God in this time.

Sobrang sakit talaga.. Lalo na pag nakasama mo at nakita mo na yung kulit nya.. Hahanaphanapin mo.. I feel you

condolence momshie.. i feel you.angel na rin ang dalawang bby girls ko.just pray and just release the pain. .iyak mo lang.

condolence,san ka nanganak bhe...ako nmatay rn 1st born ko via cs rn ako 6.5mos sya at sobrang liit nya naubos panubgan ko

Related Articles