Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭

Grabe anak ko, ang sakit! pinaranas mo sakin maging ina kahit nasa loob pa kita ng tiyan ko, sipa dito sipa doon, bukol dito bukol don paramdam ka ng paramdam sakin sa tiyan ko, Bakit ganun? kung kailan lumabas kana at nayayakap kana sana namin don ka namin di maramdaman tulog ka lang 😭 ang sakit sobra! Yung hirap ko habang naglalabor habang iniire kita at tinatahi ako akala ko yun na ang pinakamasakit na mangyayare sakin 😭 mas masakit sobra ang nawala ka agad samin Anak' Nakakatuwa pa naman kamukha mo papa mo, ang puti at kinis mo ang lusog lusog mo.. Pero ang hina ng puso mo at di mo kinaya 😥 sana anak tulungan mo kami ng papa mo kayanin lahat to.. Babalik ka samin ha, hindi to magiging rason para panghinaan kami ng loob.. Ipagmamalaki kita anak, napakapogi at mabait kong anak.. Hindi mo pinakita samin na nahirapan ka ang aliwalas ng mukha mo para ka lang tulog.. Mahal na mahal ka namin DENVER ZION GREY.. 😭 pasensya na po sa mga nagmemessage sakin hindi ko po kayo kayang replyan pero sana sa post ko na to nasagot ko ang tanong nyo.. Salamat po sa pakikiramay..

Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭
1033 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

My deepest condolences mi❤️ Trust him, all the things that happen to us is according to his plan, Ill pray for the both you, may he rest ib peace, And I know that God will give you more, Kailangan niya lang ng anghel❤️❤️❤️

Condolence sis, kapit lang sa itaas☝🙏 manatiling manalig sa amang makapangyarihan malalampasan mo din ang pag subok na iyong natatamasa. Ang iyong baby👶ay mananatiling gabay 👼 ng iyong pamilya... GOD BLESS YOU ALL 🙏 Amen

VIP Member

Hi mommy may sakit ba cya sa puso mommy yong anak mo? ano dahilan pagkamatay nya takot tuloy ako nkita ko ito pareho kasi tyo namatay din una kng anak pero sa balay lng kasi yon hndi ako nadala sa hospital tagalan cya sa paglabas...

TapFluencer

I feel you mommy.. Sobrang hirap tlga mawalan ng anak lalo na na buo siya sa sinapupunan mo ng siyam na buwan...Pray lang kay lord mommy.. Kaya mo yan 😇😊Condolence po.. 😣😞

Baby ko din angel na, kinuha nung pag Labas sa akin, stay positive mommy, kakayanin mo yan, ako kinakaya ko kahit masakit at mahiRap, may Mas better na plan si God Para sa atin, babalik sya sa tamang panahon

condolences mommy😭😭😭 Mgpray klng po ky God,pagagaanin nya ang dinadalang mong bigat at sakit na nararamdaman.hindi mn ngaun,drting din ang tamang panahon🙏💙❤ hugs for u mommy🤗😔😥

condolence po. ilan po ba heartbeat per minte ng baby mo nung nag prenatal ka, sakin kasi 74bpm katakot ako makonan mahina puso ni baby. mahina din kasi puso ko.. zion din balak ipangalan husbie ko😢

Nakaka iyak. 😢 ang pinaka masakit na maaaring mangyari sa isang ina ay mawalan ng anak. Paka tatag ka Mommy ha? Kaya nyo yan. Angel na si Baby mo kasama na nya si God. Condolences po 😢

Condolence mommy ifeelyouu po😩💖 pakatatag lang po ibabalik din po sainyo yan agad tulad po nang saken pregnant po ulit ako namatay po panganay ko netong august lang po stay strong mommy

My deepest condolences momsh.. 😢 I know it's hard but be strong po mommy.. everything happens for a reason .. I know he's now your Little angel from above .. God is with you momsh

Related Articles