Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭

Grabe anak ko, ang sakit! pinaranas mo sakin maging ina kahit nasa loob pa kita ng tiyan ko, sipa dito sipa doon, bukol dito bukol don paramdam ka ng paramdam sakin sa tiyan ko, Bakit ganun? kung kailan lumabas kana at nayayakap kana sana namin don ka namin di maramdaman tulog ka lang 😭 ang sakit sobra! Yung hirap ko habang naglalabor habang iniire kita at tinatahi ako akala ko yun na ang pinakamasakit na mangyayare sakin 😭 mas masakit sobra ang nawala ka agad samin Anak' Nakakatuwa pa naman kamukha mo papa mo, ang puti at kinis mo ang lusog lusog mo.. Pero ang hina ng puso mo at di mo kinaya 😥 sana anak tulungan mo kami ng papa mo kayanin lahat to.. Babalik ka samin ha, hindi to magiging rason para panghinaan kami ng loob.. Ipagmamalaki kita anak, napakapogi at mabait kong anak.. Hindi mo pinakita samin na nahirapan ka ang aliwalas ng mukha mo para ka lang tulog.. Mahal na mahal ka namin DENVER ZION GREY.. 😭 pasensya na po sa mga nagmemessage sakin hindi ko po kayo kayang replyan pero sana sa post ko na to nasagot ko ang tanong nyo.. Salamat po sa pakikiramay..

Parang natutulog lang baby ko.. 😭😭
1033 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Condolence mummy..☹️ stay strong lng po my rason c Lord sa mga ngyayare...

stay strong mommy and daddy 😔 he's with God na po and watching over you ..

Condolences 😥😥😥 mahirap at masakit ang mawalan NG anak be strong po

Condolence po. Stay strong po. Rest in Peace little angel, God is with you.

you have an angel now mommy. sending you prayers in this trying times. 🙏

ilang araw po bago maligo ang bagong panganak at yung sanggol po?

My deepest condolence momsh. Kaya mo yan momsh. Pakatatag ka po🙏🙏🙏

Condolence po 😢 rest in peace baby 😔 gabayan mo ang magulang mo 💖

VIP Member

Sorry for your lost mommy, condolence po. RIP little angel!😢🕊️🙏

Condolences momsh pray ka lang Lagi ka ginagabayan ng Baby mo😔😇

Related Articles