My Angel in heaven

goodmorning mommies, gusto ko lng e share yung nararamdaman ko ngayon. until now po kc hinahanap ko pa din ang baby ko ? patay na kc siya nung nilabas ko dahil sa cordcoil. Ang problema hanggang ngaun umiiyak pa rin ako ? miss kuna xa ng subra . wala kasi ako mashare'an na iba ako lng kc mag.isa dto sa bahay .CS kc ako kaya hnd pa pwd mglakad2 kahit saan.

150 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

i sooooo feeellll you mommy, sooo sorry for the lost of your Angel.been there also po,para akong mababaliw andami what if's 😭 1 year din po bago ko natanggap na wala na talaga siya then nun unti unti ko na tinanggap ska ako nabuntis ulit now po going 5 months na sya this coming June 7.kamukhang kamukha niya yun kuya nya. iniisip ko na kaya nangyari yun before kasi may reason & may naging kapalit din para mabawasan lungkot ko .ayoko sabihin mommy na cheer up kasi deep inside,in your heart you are so broken lalo wla ka pa kasama mas mahirap sayo mommy ksi wla umaalalay sayo & nagcocomfort.take a rest mommy & isipin nyo po na nasa heaven na baby mo/natin & guiding you/us .masakit for now po,huwag nyo po bbiglain magmove on ..step by step lang po hanggang kaya nyo na po tanggapin..basta po if you need someone to talk andito lang kami na nasa Asian Parent ..we will help to lessen your sadness 🤗hug & 😘 kisses mommy .

Magbasa pa

kaya mo yan sis, cry if you need to. mas mahirap yan pag pinigilan at hindi inilabas. masakit na nga physically dahil cs ka, wag na sabayan pa ng emotional pain. pray ka sis lagi and trust in God and in His timing. may reason kung bakit nangyari yan sis and para yan sa mas ikatatatag mo. believe me sis kasi been through almost the same. nawala din 1st baby ko kasi nadetach placenta, naemergency cs pero di na siya narevive. 2nd baby naman, had a miscarriage. sobrang sakit both instances. pero nakaraos. ngayon 4mos na baby ko. kaya mo yan sis. pag pwede ka na maglakadlakad, punta ka sa mga makakarelax sa yo. no need naman na kalimutan si baby kasi imposible yun. part mo siya eh, kahit nawala siya galing pa din siya sayo. pag nalampasan mo na to at dumating na ulit time for your baby, yung sobrang dakit na ramdam mo ngayon, magiging sobrang saya.

Magbasa pa
VIP Member

Condolence po momsh. Ako every month po ako nagpapa ultrasound. Yung last na ultrasound ko pang 9th months, dun pa sya nagka cordcoil. Sobrang kaba ko nung makita ko result. Tapos nung time na nagpa ultrasound ako, sabi ng ob ko 2cm palang at siguro after a week pa sya lalabas. Kinakausap ko si baby, sabi ko lumabas na sya kasi baka mapano pa sya sa loob. Kinagabihan, nag start na may lumalabas na brownish discharge pero di naman masakit tyan ko. Kaya pumunta na kami ER kahit 10.30pm na. Pina NST ako, tapos sobrang bilis ng heartbeat ni baby. Kaya inadmit na ako. Every hour ang monitoring ng heartbeat at galaw nya. Kinabukasan hindi parin sya bumaba kaya induced na ako. After 24 hours of labor, lumabas na din sya at nainormal ko.

Magbasa pa

Be Strong Mommy! ako man po nawalan ng anak. Pinanganak ko sya na may Leukemia.. triple po ang sakit na naramdaman ko dahil nakita ko lahat ng paghihirap ng isang munting sanggol na walang muwang sa mundo. Nakipaglaban sa sakit nya kahit hirap na hirap na sya tingin ko lumalaban sya para sa akin, puro tusok ng karayom na sya, hndi mabilang na pagsalin ng dugo at pagkuha para sa lab test at pinaka masakit ang chemotherapy.. lahat ng paghihirap nya nakita ko at pagdating ng apat na buwan iniwan na nya ko 😪😪 alam ko may dahilan lahat ng nangyari pero kahit kailan di ako nawalan ng tiwala kay God. 3 yrs na lumipas pero tuwing maaalala ko lahat yon lalo na ang baby ko, umiiyak pa din ako.

Magbasa pa

Sending prayers and love, mommy! I know exactly how you feel po. It happened to me last year. Same case po. Cord coil. 1st baby namin ng husband ko. Sobrang hirap po talaga. Ako nun naggising sa madaling araw umiiyak..minsan tulala. Pero fight lang mommy. Wag padadala sa depression. Laging magpray. Pag nagppray ako umiiyak kasi sobrang walang kapantay na sakit. It's been a year since we lost him pero umiiyak pa rin ako pag naalala ko. I am now 16 weeks pregnant again. And I'm really praying that this is our answered prayer. Be strong, mommy! Kapit tayo kay Lord.❤🙏

Magbasa pa

Hi sis 🙂🙂 it's okay na umiyak pag Nalulungkot ka.. ganyan din ako.. 1month ago nawala baby ko nang di ko pa naipapanganak. and still naiiyak pa Rin ako lalo pag magisa ako or sa Gabi dahil namimiss ko sya.. Basta sis magtiwala Lang Kay Lord and magpray tayo.. kinakausap ko Rin si baby ko na bigyan ako nh strength para mas makayanan ko Yung lungkot..and may journal ako na dun ko sinusulat lahat Yung message ko Kay baby Yung nafifeel ko, nakakagaan sakin Yun. Tandaan mo may plan si Lord sis why need natin pagdaanan to .. Godbless you sis. Be strong. 🙂

Magbasa pa

Condolence po sa inyo sis, naiintidihan ko tlaga ang bigat na nrramdaman mo ngayon kasi nawala din first Baby namin sis, 5 days lang siya nabuhay pero d rin nya kinaya..CS din ako nun kaya bahay lng din ako panay iyak,ni ayaw ko makausap kahit sino..patay na nung nakarga at nayakap ko c Baby kasi nasa NICU siya nun the whole time d siya pwde buhatin.. 2016 yun nangyari sis, tapos ngayon 31 weeks pregnant ulit ako for our second Baby.. cheer up mommy,alam ko mahirap pero may purpose kung bakit yun nangyari,may plan c God malalaman mo rin ang sagot balang araw..

Magbasa pa

I will pray for your healing bothh physically and emotiinally mommy. Hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit sayo yun kasi kung simpleng lagnat nga lang grabe na tayo magworry. Siguro magiging sandigan mo na lang ngayon is everything happens for a reason. Hindi mo man maisip kung ano ngayon, in the future mapapagtanto mo din.. mapapasabi ka na lang na "kaya pala kinuha sya sa akin ng maaga". Take all the time you need to heal. Talk to friends and family. Face your grief kasi only after mo maaccept ang nangyari saka ka lang maghiheal. Kaya mo yan mommy...

Magbasa pa
VIP Member

Makakasama niyo pa po ang Baby ninyo at kayo parin ang Mama niya, may pagkakataon pa po kayo na palakihin siya. Hindi man sa time na ito, pero may time po na nilaan ang Diyos para makasama niyo ang buong family. Maikli lang po ang time natin dito sa mundo. Pero hindi part po ng plano ng Diyos na hanggang dito lang natin makakasama family natin. Death is not the end, may eternal life po na magkakasama ang mga families. Always pray to Heavenly Father that you may find comfort po. And we will pray for you too. Families can be together forever. ❤

Magbasa pa
5y ago

Anong pagkakataon na palakihin sya? Just say makasama after life. Pero san nyo nkuha may pgkakataon na palakihin sya.

condolence po. alam ko din po yang nararamdaman ninyo dhl nang yari na din po saakin yan lst october 6months baby ko sa tummy ko cord coil din ang reason kya nawala sya smen.masakit syempre lalo na 1st baby din namin ng asawa ko at 1st apo ng parehong side kaya excited ang lahat.kso may plano cgro ung nasa taas kya kinuha sya agad smen.at ngaun 32weeks nakong buntis kinakabahan pdin ako kc bka.maulit nanaman pero nilalabanan ko ung kaba at nag ppray nlng na sana eto na un.kya pray lng sis bibigay din ng sa taas ung pra syo fighting!

Magbasa pa
5y ago

Niraspa ka po nun.sis 😔😔😔