23 Replies
Ganyan din po ako.. I'm on my 10th week.. Kahit nakatutok na yung fan napaka.init pa din tsaka antagal bago makatulog. Napakahirap pa sa case ko kasi hindi ako nakakatagilid sa left side ko kasi may fracture pa yung arm ko. Kaya kung hindi tihaya nakatagilid ako sa right side ko tas ang init2 pa ng panahon diyosko.. Tas ang dami2 pang pumapasok sa isipan natin.. Pero best way ko po is makinig tayu ng worship songs po.. Nakakagaan sa feelings hindi mo nlng mamamalayang nakatulog kana pala :)
Ako mag 6mos nung nagkaprob ako sa pagtulog,tapos naging ok ng 2wks ang tulog ko tapos 7mos til now na 34wks na tiyan ko hirap pdin ako makatulog.. bumabawi nlng tlg ko ng tulog sa umaga til afternoon. Nakatulog ako ngayon 3am nagising ng 5am, naglaba na ko at nagluto kea pwede na let ako matulog after magshower.. malamang gising ko neto hapon na like 3pm o 4pm. bawi ka nlng tulog sis
parehas tayo sis.. halos alas dos o alas tres na ng madaling araw tulog ko. mag 5months na din tummy ko. kaya sinasabihan ko mga tao dito sa amin na wag mag ingay hanggang tanghali kapag nakita nila na nakahiga pa ako sa kwarto. dun nalang kasi ako nakakabawi. ung sa tanghali na ako gigising at babangon.
Ako ngayo 6months naiiyak na tlga ako ksi hindi mkatulog tpos mg hhhatid pako sa panganayy ko ng 8 30 am tpos uuwi pagluluto tpos sundo ulit ng 10 30 tpos po kakain tpos hihiga ako hindi nmn mkatulog ng tanghali nkakalungkot tlgaπ₯π₯π₯π₯pero excited kmi sa second baby namin..πππ
Haha ganyan din ako. Naiinis na nga partner ko eh kase ang likot ko daw tapos ang hirap minsan kase mangangawit ung balakang mo . Left or right side Di ka pa din komportable .. ang likot pa ni baby sa tummy ko biglang may sisipa sa tagliran ko.
Same here. Mas mahihirapan ka pa po humanap ng pwesto o magandang tulog pag 3rd tri ka naπ 37wks nako. Mas madami pa ang ihi kesa sa pagtulog koπ Goodluck sayo momshie and God bless uπ
Same tau
Yes. Ako din ganyan. Hirao makatulog tas pag nakatulog at nagising hirap ulit bumalik sa tulog. Naiistorbo na si hubby kaka galaw ko. Minsan parang ngalay na ngalay katawan o braso ko.
Try mo agahan ng kain sa gabi b4 7 dapat nakakain kana para matunawan ka agad yan kc advace ng ob kc ganyan din aq.
Ganyan dn po before.. pero most of the time sa left ako natutulog kasi mas nagng comfy ako..
Yes Mommy but the best sleeping position is left po. mas comfortable ka dun momshie
Queen