βœ•

16 Replies

Yung asawa ko hindi naman ganyan. Oo sya lng may trabaho sa amin. At alam kong may mga gusto rin syang bilin sa sarili nya at tulad ng sapatos. Naiintindihan ko naman sya sa part na yun kasi pera nya yun e. Pero pinapaunawa ko sa kanya dahil may sapatos pa naman sya bihira na lng magamit e pagtyagaan nya na yun dahil hindi na sya tulad ng dati na binata . Na lahat ng gusto nya e mabibili nya . Buti na lng talaga napaka maintindihin ng asawa ko kahit minsan naaawa narin ako sa kanya dahil minsan lng naman sya mag luho sa sarili nya. Kaya mommy minsan usapan mo rin asawa mo. Ipamuka mo sa kanya di na sya binata kaya wag na sya mag buhay binata.

Ang hirap pag ganyan yung asawa mo. Mukha siya tong maluho at hindi ikaw. Mukhang siya pa ata ang naglilihi eh. Dapat todo tipid siya esp now manganganak na siya. Kung tight and budget dapat di na siya gumagastos ng kung anu ano tapos hahanapan ka niya ng pera. Alangan namang tipirin mo pagkain mo eh buntis ka nga dba. Nakakairita mommy pag ganyan yung kasama mo araw araw. Anyway sana mapagusapan niyo ng maayos. Mahirap pag ganyab siya forever, baka di kayo maging happy family. Maglista ka nalang ng mga expenses niyo ultimo piso ilista mo.

Isa sa pinaka hinahangaan ko sa hubby ko is ung magaling sya mag-manage ng pera, at yun ung tinuro nya sakin nung magasawa na kmi. Date 30k budget namin sa isang buwan lng nung nagwowork p ko, pero ngayon 18k nalang which is napapagkasya naming 3 ako, hubby at anak ko, nagrerent lng kmi at may ipon pa kmi kahit papano. Ngayong buntis ako, less worry kami kasi may ipon na kmi, wait nlng sa paglabas ni baby. 😊 Minsan kasi we should live within our means, keep our needs simple, and enjoy small pleasure.

Saamin sis d rin makaipon nung nagbuntis na ako kasi stop na ako sa online business ko and sahod nalang ni hubby yung inaasahan namin wala na kami naitatabi kasi every month check up and gamot ko tas dami ko cravings .. Pero hindi naman xa nagrereklamo kung maubusan ako ng hawak na pera , binibigay nya yung allowance nya saakin kahit d na sya magmerienda ok lang sakanya , nagugulat pa ako kasi xa yung nakakaipon galing sa allownace nya, may konting ipon naman kami kahit papaano before ako nagbuntis..

Kinukumpara nya pako sa dting live in nya na magastos di man lng nya ko tinatanong kung saan napupunta bakit wala ako naiipon magastos dw ako alangan naman na tipirin ko sarili ko kmi ng baby ko 8months preggy syempre maya2 ang gutom ko tapos pgkain pa namin ng mama nya kung dti nkkapgluto pako ngayon dina kasi npapagod nako kaya khit nkakasalita sya ng hindi magnda pinagsisilbiha n at iniitindi ko sya hwg lng lumaki pgtatalunan namin

Hayaan mo muna sya, wag mo po muna intindihin at mastress klng, di nya ba narealize kung ganu kahirap magbudget ng sahod nila lalo n kung sakto at kulang pa. Ako ang ginagawa ko and advice din ni hubby na ilista ko ung gastos namin araw araw, para alam nmin san napupunta ung pera. And pag my order si hubby sa lazada pg alam nyang darating order nya Tatanungin nya ko muna kung may extra p kmi sa budget, pag wala, magiiwan sya ng pera.

sabi ko nga saknya kpg my oordirin sya mgiwan sya kasi yung pera na binibigay nya ngbabayad ako sa mga hiniraman namin kpg wala na kming budget di man lng nya naisp yun na kpg wala na kming budget saan ako nkkakuha.,kya kgabi tinulugn ko nlng din kesa mkaranig pako ng salita sknya kpg kinausap ko lng aya

VIP Member

Kung hindi kasama sa budget nyo yang Lazada nya, kesehoda siyang hindi mo mabayaran yan. Saka napaka insensitive naman nya for him to compare you to his ex. Saka yang pag iipon wag mong isipin yan, siya dapat ang gumawa ng paraan para makapag ipon. Kung naistress siya, mas naisstress ka momsh, kasi hindi na lang ikaw ang inaasikaso mo. Baby mo at ikaw tapos pati siya mag iinaso pa.. ay gigil si ako ah...

Grabe naman dapat di ka nya kinokompara sa ex nya 😞 ang hirap kaya magbudget ng pera tsaka ang gastos naman nya, dapat marunong din sya magtipid kase

VIP Member

Talk to him lang mommy, in a very calm way. Ganyan cla kasi may gusto dn cla bilhin pra sa sarili nila.. And explain mo dn sa kanya ngaun nga na dalawa pa lng kau di na nkakaipon, much more pag anjan na c baby mas madami gastos.. Kaya better needs na lng muna unahin bago wants pra makaipon dn. Wlang di nakukuha sa mahinahong usapan mommy. 😍

VIP Member

Mahirap p tlg makaipon lalo pag buntis at lalong pag anjan n si baby..kami nga same may work..pro minsan nagigipit tlg kami.hnd maiwasang nagagalaw ang ipon..wag mo n dn muna cia pansinin sis..kung hnd nmn necessity ung order nia sa lazada hayaan mo cia..jusme!hirap2 magbudget ng pera eh

Mag usap po kayo momsh hindi pwede na wala kayong maiwan kahit konti para sa baby nyo at di maganda sa isang lalake lalo na magiging is yung maging immature. Di lang nabilhan nagdadrama na.iniisip nya bang manganganak ka p at mga needs ng baby?

Trending na Tanong