Hirap magbawas

Good pm po mga mommies. Ask ko lang sana talaga bang pag buntis mahirap magbawas? Yung tipong isang oras ka na sa cr dipa din lumalabas? Ganon po ba tlaga pag buntis? Incoming 3months preggy. Salamat po sa sasagot ☺

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes, it is normal. During my 1st trimester, yan din nagpahirap sakin. Kaya ang ginawa ko, uminom lang ako ng maraming tubig, yakult everyday and prune juice. Umiinom lang ako ng pune juice kapag talagang di kaya ilabas ang poop. Pampalambot kasi yun and pampaganda rin ng bowel movement. Kain ka rin leafy vegetables. Now na nasa third trimester na ako, di na ako hirap dumumi. Everyday na rin ang pagdumi ko.

Magbasa pa

normal po ang constipation sa buntis. i suggest kain po kayo ng mga talbos for fiber, pwede dn po once a day mag yakult or yogurt. oats will also help po. yan po nga kinakain ko. atleast 1 sa mga yan a day.

maraming water sis tska gulay... ganyan nangyari skin nahospital pa nga aq eh dahil jan.. grabe un tska pag kakain ka wag mo biglain tyan mo.. hinay hinay lang sa pagkain mahina po kai panunaw nating mga buntis

Yes po. Prone po talaga ang buntis sa constipation. Eat/drink fiber-rich foods/drinks po, tapos increase po natin ang water intake 😊 Ganyan rin po ako during my first pregnancy, halos mag-isang oras sa CR 😅😅

Yes normal pero d naman ako umabot ng 1hr sa cr. 15-20mins lng pinakamatagal ko. Nung 2nd trimester ko dna ko hirap mag poop dahil cguro sa IBERET na vitamins ko. More on water ka lng, o kaya papaya sabi nila.

Normal po mommy. Ako din kahapon nahirapan sobra. Kinakausap ko na nga si baby. Kasi hirap din pag di nailabas. Sinasabi ko wag sha sasabay sa pag ire ko hahahuhuhu. kaya more on fibre talaga kainin natin

Drink forever fiber. All natural po momsh. You can get it from forever living per box. After ko uminom, di ako nagcconstipate then pansin ko ang lambot ng poops ko kaya di ako nahihirapan magbawas. 😊

VIP Member

more water and vegetables po mommy. wag masyado sa mga karne, try niyo rin po yakult once a day and before magpoop inom isang basong tubig. ganto po ginagawa ko sakin nun kaya everyday ako nagpoop.

sis more water intake and ako nag yakult 2x a day or pag wala yogurt tlga everyday. normal poops ko and hindi ako nahihirapan plus iwas pa sa mga vaginal infection.

araw araw ka nag ppoop mi? ako 2-3 days bago magbawas worried nga ako eh. ayaw ko naman pilitin umiri kasi baka si baby yung lumabas natatakot ako.

3y ago

ayy ganon. nakakapag alala pag 4-5 days na di nakakapagbawas no. malakas ako sa water pero diko alam bakit ganon padin katagal ako magbawas. gustso ko pag yung lalabas na talaga tsaka ako ccr kasi ayaw ko talagang upilit umiri. natatakot ako.

Related Articles