Itchy Rashes

Hello, good morning! Sino po sa inyo nakaexperience na nagkarashes halos sa buong katawan at sobrang kati pa. Paadvise naman po ng remedy please! 3 consecutive nights na po ako walang tulog dahil sa kati. Di ko naman maiwasan di kamutin kasi nakakabaliw yung kati talaga. Baka naman may alam kayo way to help me maibsan man lang yung pangangati. My baby just turned 37 weeks last Friday at dun din nagsimulang may tumobong parang kagat ng langgam na na super kati po talaga. Ginamitan ko na ng sulfur soap at nilagyan ko na din Calamine Calmospetine. May lotion pa na Physiogel ako ginagamit pero saglit lang nawawala yung kati bumabalik ulit. Sana may makaadvise po please!

Itchy Rashes
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi sis nagka ganyan din ako at sobrang hirap talaga matulog sa sobrang kati....nag pacheckup aq niresetahan aq calmoseptine tapos injection pa ng steroids pra sa kati pro wLa nangyari... bawal ang malalansa na pagkain at mga seasonings sa ulam patis alamang magic sarap at betsin.. xka ung maxado mamantika... nag start xa sa puson kaya nagka kamot tuloy aq.. hanggang sa nagkaron narin aq sa braso at sa binti hanggang sa buong katawan na as in muka nalang wala..sav ni ob dampian ko nalang ng yelo pag makati kc baka mainfection daw pag kinamot ng kinamot kaya dinadampian ko lang xa ng yelo pag nangangati pra di aq makapag kamot kc as in nag pasapasa na xa sa sobrang kaka kamot ko

Magbasa pa
5y ago

Salamat po! Same sakin sa puson lang din nagsimula kala ko kati lang dahil sa stretch mark hanggang pati braso at legs ko nangangati na parang may pulang butlig butlig na padang kagat ng langgam. Ginagawa ko po ngayon mainit na tubig dinadampi ko sa iba parta ng katawan except sa tiyan ko. Naliligo maligamgam na tubig pero habang tumatagal mas lalo dumadami. Try ko po malamig naman. Sabi nila mawawala lang daw to paglabas ni baby. Pero gigil na gigil na ako mawala to kasi sobrang nakakainis yung kati talaga. Try ko nga yang malamig naman. Salamat po sa pagpansin ng post ko.