Kati kati sa katawan pagtapos manganak

Hello po sino po dito nagkaron ng kati kati sa katawan po? Maliliit po siya na parang buni po pero hindi naman daw buni to, ginagamot ko ng bl cream nawawala pero nagkakaroon pa din e 5 months na mula nung nanganak ako meron pa rin diko alam po tawag dito pero buong katawan ko talaga meron po. Sulfur naman gamit kong sabon pero hindi pa rin gumagaling ano po gagawin ko dito? 😭 Bfmom po ako. Please respect my post po. Please help. #bfmom #firstimemom

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

nag kaganyan ako mi, binat yan. bawal ka jan mag basa basa agad. grabe din yung kati sobrang nag sugat, pero hinayaan ko lang. wag ka na lang din madalas mag basa basa mi. binat po tawag jan, 2month din bago mawala. hays

2y ago

salamat mi. ang tagal na kasi after ko manganak biglang nagkaganito ako 5 months na si baby ko. 😭 wala naman ako magawa din e kasi nagwork asawa ko kaya ako din lahat po pero pag umuwi naman siya, siya na kumikilos.

try to consult po sa doctor, pero sakin momsh, ginawa ko po, naglanggas ako ng dahon ng bayabas tapos sulfur soap nga po.. tapos ointment sa mga may parang rashes na kati kati..

2y ago

araw araw po ba yung sa bayabas po? hindi kasi ako makapag pakonsulta kasi napakalayo ng hospital dito samin. nawala din panahon ko sa sarili ko mula nagkaanak ako.