good morning po. si baby ko po kc nagkaron ng maliliit na butlig sa leeg kulay white parng may nana pero hnd nmn po mabaho or ngnanaknak tpos lately dumami na po sya sa leeg. pinapahidan ko po ng calamine lotion kc nagkakati sya kaso kpg napawisan sya ayun kamot ulit sya kpg naalis ung calamine. ano po kaya un mga mommy bettter na po b ipa chekup? o may cream po na pwde ipahid salamat po godbless.
si baby ko nagkaganyan ung 2weeks old palang sya pero sa face una parang pimple lang un tas 3 lang gang sa dumami magkabilang pingi sobra sya naiirita.. diagnosed with atopic dermatitis sya umabot kami sa stage 2 ng gamutan. at first cream lang muna yung atopiclair cream for 1 week then change sabon and all. after 1 week d pa din nawala my pedia tried another approach binigyan po si baby low dose topical steroid inapply ko sya 2 days lang kumalma na as in nawala na lang bigla natuyo na sya then continous na lang yung cream actually until now nag cream pa din ako sa kanya pero im using physiogel AI cream na as moisturizer nya para d nagddry skin pinalitan kc ng pedia ung unang cream since this is for maintenance or prolong use na safe for babies naman po.
Magbasa pamommy better ask ur pedia po muna sana, wag po tayo basta painom agad or pahid agad sa affected area kung di nman tayo sure kung ano un at kung walang doctors prescription. baka lalo lang lumala at makairritate sa skin ni baby. pwede nman po magtanong kay google at sa ibang mommy for reference pero di po ibg sabhin eh gagawin nio ung nabasa at narinig nio sa iba. iba iba po tyo at mga baby natin ng situation at exprience kaya much better don tyo sa mas nakakaalm.
Magbasa paPromo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-18112)
Ilang months na ba sya, mommy? Try mo yung dermovate, mommy. Around 300 pesos lang sya na ointment. Pero better parin na ipacheck mo sya sa pedia na para yung pedia mismo ang mag-prescribe ng tamang cream for baby
Normal yung mga butlig during the first few weeks ng baby. Iwasan mo lang pagpawisan kasi mas nati-trigger ang mga rashes and butlig. Hydrocortisone cream ang ginamit ko sa baby ko and effective naman.
paarawan mo po. at dahil yan sa gatas na natatapon s leeg nya. better na punasan ng bulak n may tubig. at lagyan mo petroleum gel.. at lagay ka lampin sa may leeg nya kapg nadede po cya
Have your lo checked mommy. Feeling ko milia. Kung white white. Pero if makati have it checked na po as much as possible wag po pahid ng basta basta lalo na sa baby skin ππ
Nagkaganyan po yung baby ko nung newborn sya, pero nawala din. Wala ako ginamit,pinupunasan ko ng maligamgam na tubig tas pinapanatili ko tuyo yung banda sa leeg nya.
ipacheck up mo nalang mommy para sigurado. may rashes din once si lo wheb she was two weeks old, though ndi naman xa nangangati, we were advised to switch soap po.
baka atopic po.. try nyo po lagyan ng physiogel AI cream para kumalma then pacheck up po kayo.. baka lumala since k8nakamot ni baby baka magsugat at mainfect.