Maternity benefit claim

Good morning po, sana po may makatulong sa case ko. Employed po ako pero ung Mat1 ko po personal ko inasikaso. Balak ko pong asikasuhin na rin ang mat2 ko. Nagsearch po ako at ang requirements po galing sa company ay Certificate of Non Advancement, L501 at info nila sa Mat2 kung ako na ang maglalakad sa SSS. Hindi naman po sila nag-advance payment sakin. Nung nagpunta po ako sa employer ko ang gusto po nilang mangyari ay pumirma ako ng voucher na kunwari ay nakatanggap ako ng advance saka nila lalakarin ang reimbursement. Pero pinaliwanag ko sa kanila na pwedeng ako na lang kaya iniwan ko ang Mat2 ko. Nung bumalik po ako para kunin ang requirements wala pong binigay na certificate of non-advancement dahil bawal daw po at gusto nila pumirma ako ng voucher. Sinabi rin po sa akin na kinompute nila ang benefit ko at 60days lang daw dahil namatay ang baby ko. Binasa ko po ang guidelines regarding sss matben, ang alam ko po pasok ako sa 105 days ni sss kasi naipanganak ko naman po ng normal ang baby ko namatay po kinabukasan dahil sa complication, bale 1 day po nabuhay at hindi naman po stillbirth. Sana po may makabasa at makatulong. Salamat po.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

magtry ka po magreport sa sss na ganyan ang ginagawa ng employer mo. hindi pwede yan. wala naman palang ibinigay na advance payment tas papagpirmahin ka. malamang nakurakot na nila yan. ireport mo yan mamsh. may mga branches ng SSS sa messenger na nagrereply sa queries pwede ka po dun magmessage

5y ago

Salamat po sa pagsagot. Actually dinirekta ko po employer ko patungkol diyan kaya nga inexpect ko po na ibibigay nila ang requirements na kailangan ko. Kaso pati sa pagcompute nanguna sila na 60days lang ang makukuha ko.

VIP Member

report po agad yan sa SSS mismo .. anung kunwa kunwari, ano sila nakikipaglaro .. pag pray mo nalang rin sila mommy. and pnaka best mong gawin is ireport. para malaman mo ung tamang gagawin mo. ingat mommy.